BETA :: TOP MIDDLE EAST FORUM


http://www.adduae.org/community/blog/mpcastillo_untv_uae/re_kuwentong_mahabang_mahaba_r-5.html

Author:  mpcastillo_untv_uae [ 08 Mar 2009 13:03 ]
Blog Subject:  KUWENTONG MAHABANG MAHABA: Part 1

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 1 > 08 MAR 2009

INTRODUCTION: Magandang umaga po dun sa mga lugar na ang oras ay mula alas seis (6 o'clock AM) hanggang alas once[11] cincuenta y nueve point noventa y nueve nueve millisecond (11:59.999 AM). Magandang tanghali naman po dun sa mga dako na ang kanilang oras ay alas doce (12:00 NN). Magandang hapon naman po doon sa bahagi ng daigdig na ang oras ay alas doce at uno millisecond (12:00.001) hanggang alas seis sharp ng hapon (6:00/ PM, Military time 18:00 hrs). Magandang gabi po doon sa parte ng lugar na ang oras ay lagpas alas seis ng hapon (past 6:00 PM) hangang alas once[11] cincuenta y nueve point noventa y nueve nueve millisecond (11:59.999 PM) - puwede rin na Good Night. Good Evening medyo puwede para naman doon sa mga lugar na ang oras ay alas cinco hanggang takip silim, pero napapansin ko ginagamit din ito na pangbati sa gabi ng ibang mga tao, kaya Good Evening na rin > medyo parang may malabo sa pagbati na iyon ah. Hmmm di bale, paki sabi na lang po kung mali ako sa pagbati - Oki – saan na tayo? Ayun… Magandang Umaga naman doon sa panig ng mundo na ang oras ay mula alas doce ng hating gabi hanggang alas once[11] cincuenta y nueve point noventa y nueve nueve millisecond (11:59.999 AM). Oopppss teka muna. Mali yata yung unang bati ko nang umpisa ah. Ang pagbating Magandang Umaga ay para po pala doon sa lugar na ang oras ay mula alas doce ng hating gabi hanggang alas once[11] cincuenta y nueve point noventa y nueve nueve millisecond (11:59.999 AM). Naku po ang hirap naman pala mag-kuwento ng ganito kahaba nasa Introduction pa lang po tayo tapos doon sa aking Introduction > nasa greetings pa lang. Wala pa dun yung buod ng Mahabang kuwento na patungkol sa pasimula ng buhay ko dito sa lupa, kung papaano ako umiral sa mundong ito, kung paano ako pinalaki mula sa pagkasanggol, kung paano ako nagkaroon ng pagisip, kung paano ako nagpasimulang magaral, kung papaano ako namuhay bilang isang bata, kung papaano (mahaba pala), Yuuunnn…. Yung mga buod na iyon para sa introduction hindi ko pa nasasabi iyon dahil sa mahaba pala masyado nung greetings ko, mali mali pa yung mga pagbati ko. Pasensya na po, Ituwid nyo na lang po ang mga pagkakamali para naman ako ay matuto. O siya tama na muna siguro yan.

PS.. Pasensya na po talaga sa iyo na mga nagbabasa, kasi di pinasimulan ko po sa pagbati yung Introduction ko, di ba? Lumalabas hindi po tao ang binabati ko doon kundi mga lugar. Chi-neck ko kasi mula umpisa. lumalabas na ganun nga. pasensya na po. Ang binabati ko po doon ay ang mga magbabasa hindi po yung lugar o dako o panig ng mundo :D

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 2 > 09 MAR 2009 (Seryosong Part)

INTRODUCTION 2: Kinukumusta ko po ang lahat ng mga magbabasa ng KUWENTONG MAHABANG MAHABA na ito. Ito po ay kuwento ng isang tao. Siya man ay nagkaroon din ng pagkakataong na mabuhay gaya ng ibang taong nabubuhay ngayon. Dito natin malalaman kung papaano siyang nagpasimulang umiral sa mundo, kung paano siyang pinalaki mula sa pagkasanggol, kung paano siya nagkaroon ng pagisip, kung paano siya nagpasimulang mag-aral, kung papaano siya namuhay bilang isang bata, kung papaano niya natapos ang elementarya, kung saan siya pumupuntang mga lugar, kung papaano siya nagkaroon ng malalim-lalim na pagiisip, kung papaano siyang namuhay bilang isang highschool student, kung papaano niya nalagpasan ang hirap ng buhay, kung papaano siya nagkaroon ng mas-malalim na pagiisip, kung papaano siya nakapakinig ng Pangangaral ni Bro. Eli, kung papaano siyang nabuhay bilgang isang collage student, kung papaano siyang nagkaroon ng maliwanag na pagiisip dahil niliwanagan ang kaniyang pagiisip, Kung papaano siyang namuhay bilang Cristiano, Kung papaano siyang nagkaroon ng hanap-buhay, kung papaano siyang nangibang bayan, Kung papaano niya hinarap ang matinding pagsubok sa abroad, kung papaano niya nasumpungan ang ibang mga Cristiano sa dakong yaon, Kung papaanong nagkasamasama ang mga magkakapatid na ito sa Iglesia ng Dios doon sa abroad, Kung papaanong hinarap ng mga magkakapatid ang mga hirap at ginhawa, Kung papaanong nagsamasama ang mga magkakapatid sa kasiyahan at kalungkutan, Kung papaanong tinulungan at ginugulan ng Pangasiwaan ng kanilang magagawa ang mga magkakapatid doon sa abroad, At hanggang sa mga araw na ito ay patuloy ang pagmamalasakit ng mga Mangangaral ng Dios hindi lang sa dakong yaong kundi sa lahat na ng dako. At kung ano ba ang nangyari sa taong yaon habang nangyayari ang dakilang paggawa ng Dios sa araw-araw ng buhay ng tao.

PS.. Ang mga pangyayari po ay batay sa natatandaan ng aking pagiisip. Kung paano tumanim sa aking isipan at pati na rin sa aking puso :)

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 3 > 10 MAR 2009 (Nagpapabatid/Nagbibigay ng condition sa magbabasa Part)

INTRODUCTION 3: Atin pong tunghayan at abangan ang bawat post sa blog na ito. Ipinapaalalala ko po sa lahat ng magbabasa na dahil sa may mga bagay na kinakailangang manatiling lihim, minarapat ko pong ilihim ang mga sumusunod:
1.) ang ibang mga pangyayaring maaaring maka-sama(hurt) sa kalooban ng sinoman.
2.) ang makapagbibigay ng kadahilanan para mapagusapan sa mga tsismis / gossip.
3.) ang ibang gawang kabutihan ng mga kapatid na masasabi nating kayamanan ng kapatid sa kalangitan.
4.) ang ibang maseselang pangyayari na hindi marapat na ipahayag sa blog na ito.
5.) ang ibang pangalan ng mga tao na dapat bigyan ng privacy.
Kung may mga bagay pang dapat hindi sabihin, paki sabi po ninyo sa akin para aking din maidagdag sa listahang ito.
Datapuwat, sa aking sarili ay minarapat kong salitain ang mga sumusunod na pangyayari:
1.) Lahat ng naaalaalang pangyayari sa buhay ko maliban na lang kung lalabag sa sinasabi ko sa condition na nasabi ko sa itaas.
2.) Lahat ng mga informasyong masasabi kong natutuhan ko. Hindi ko lang po alam kung obsolete na o dili kaya ay baka mali yung natutuhan ko na iyon.
3.) Lahat ng mga pangyayaring magpapatotoo sa kaluwalhatian at kadakilaan ng Dios.
4.) Lahat ng mga tanong ko patungkol sa buhay na ito, para maitanong ko rin sa ating Mangangaral o di kaya ay sa ating mga Ministro o di kaya ay sa mga manggagawang makapagpapayo.
5.) Lahat ng nararapat ko sabihin batay sa aking kalagayan.
Kung kayo po ay may mga commeto o di kaya ay mga reaction na gusto ninyong iparating sa akin puwede po ninyo akong padalhan ng email sa > mpcastillo underscore untv underscore uae at yahoo dot com

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 4 > 15 MAR 2009 (Part ng pagalala sa mga kapatid at pagpapasalamat sa Dios)

INTRODUCTION 4: Una po sa lahat hindi po ako magpapasalamat sa kanino mang tao kundi ganito ang masasabi ko, Maraming Maraming Salamat po sa Dios na Siya ang karapatdapat nating pasalamatan sa lahat ng mga kabutihan na ipinagkakaloob Niya sa atin, sa araw-araw na ginagawa Niya sa ating mga buhay maging ito man ay tila hindi mabuti sa paningin ng tao o dili kaya ay hindi katanggap-tanggap na pangyayari sa ating buhay, gayon man ay ang Dios ang nakakaalam kung bakit Niya ito ginawa o ipinagkaloob sa atin, maging sa mga bagay na hindi na natin nalalaman ako ay nagpapasalamat sa Dios dahil hanggang sa mga oras na ito, ako ay nabubuhay dahil nandiyan Siya na nagbibigay sa atin ng buhay at inililigtas tayo sa mga kapahamakan na hindi natin nalalaman. Ako man, bilang isang taong nilikha ng Dios ay nagsasabi na totoong may Dios na Makapangyarihan sa Lahat at Siya ay may Anak na nanggaling sa kaniya na siyang ating Panginoong Jesu Cristo, ito ay natutuhan ko sa pangangaral ng ating mga mangangaral na sinugo ng Dios sa ating panahon na walang iba kundi ang ating Kapatid na Eli Soriano at Kapatid na Daniel Razon. Na sila man, sina Bro. Eli at Bro. Daniel ay binigyan ng karapatang mangasiwa sa Members of Church of God International sa panahon ito, na sila rin ang nagbigay ng karapatan sa mga Katulong ng Pangangasiwa at mga kasamang manggagawa na manguna at maglingkod sa kapatiran. Nakakalungkot mang sabihin, pero madalas ang aking mga pagkukulang sa mga inilagay ng Dios sa ating harapan upang silang manguna sa atin. Pero ako ay naniniwala at sumasampalataya na may awa ang Dios upang ako ay patatawarin Niya kung ako ay magpapatuloy sa paglilingkod sa Kaniya at huwag nang magpaulit-ulit pa sa pagkakasala. Nagpapasalamat din ako sa Dios dahil sa mga kapatid na kasama sa paglilingkod, sila na mga tinawag ng Dios sa paglilingkod Gobally para maipalaganap ang salita ng Dios sa pamamagitan ng pangangaral ng ating mga Mangagnaral. Ang mga kapatid na ito ang naging inspiration ni Kapatid na Eli at Kapatid na Daniel sa kanilang pangangaral. Kahit sa katandaan ng lupang katawan ni Bro. Eli ay hindi tumitigil at ang pananatili ni Bro. Daniel sa mga itinuro sa kaniya ni Bro. Eli ay nagtutumibay para maakay ang mga kapatid sa katotohanan maging ang mga kapatid natin sa ibang bansa na hindi mga Filipino. Hindi ko lubos maisip kung gaano kalaki, o kung gaano kalapad, o kung gaano kalawak ang mabuting kalooban ng ating mga Tagaakay sa mga kapatid sa Dios. Nakikita ko at nararamdaman ang kanilang pagmamalasakit at ang kanilang pagmamahal sa ating mga magkakapatid na nasa palibot na ng mundo. Kaya ako po ay humihingi ng kapatawaran sa aking mga pagkakasala at pagkukulang. Hiling ko rin sa Dios na huwag na akong maging pasanin pa kundi kasama sa papasan sa mabigat na daladala ng ating mga tagaakay.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 5 > 18 MAR 2009 (Pasimula)

CHAPTER I

Pagibig ang pasimula ng buhay ko, Pagiibigan at pagmamahal ng aking mga magulang sa isa't isa ang isang naging dahilan kaya ako narito. Pagibig naman ng Dios sa akin ang ako ay pinili niya upaing silangin sa mundong ito. Can you imagine? Pinagkalooban ako ng Dios ng pagkakataon para maranasan ko ang mabuhay bilang isang tao na hindi ko lubos naisip noon na ako pala ay dapat magpasalamat sa Dios dahil binigyan Niya ako ng buhay na aking ikinabubuhay ngayon.
Inaalaala ko kung papaano ako nagkaroon ng kamalayan sa mundong ito, ito ang aking naaalaala: May nakikita akong Kutson na nakalatag sa sahig, tapos nakikita ko at nararamdaman na may dalawang (2) tao sa paligid ko, yun ay ang dalawa kong Ate. Para akong walang naririnig na tinig at parang wala pa rin akong mga sinasabing mga salita nung mga panahon na yaon pero nakikita ng aking mga mata at nararamdaman ng aking pakiramdam na mayroong something na hindi ko alam at hindi ko pa masyadong naiintindihan.
Naaalaala ko rin noon na itinali ang aking mga buhok sa ulo na itsura ay parang puno ng niyog tapos pumunta kami sa isang lugar na may mahahabang kahoy na silya at maraming mga taong nakaupo, Simbahan yata ng Katoliko yung pinuntahan namin na iyon.
Naalaala ko rin na sumakay ang Tatay ko sa sasakyan at isinama ako at pumunta kami doon sa isang lugar na malapit sa tabing dagat na doon ay mayroong mga Night Club at pumasok ang tatay ko sa loob ng Night Club na yaon at paki ako ay napasama, naalaala ko na may sinabi ng mga babae sa Night Club na iyon na ang CUTE CUUUUTE!!!!!!!! ko raw. Tiningnan ko sa picture yung mukha ko, Hindi naman Cute. Mukha ngang Baby Gorilla na may fair complexion kasi nakasimangot yung mukha ko sa picture (Mukha lang naman.../looks like...) [at present ... agh ... mukhang ..... Nevermind that].
Naalaala ko rin yung itsura ng loob ng bahay na inuupahan namin, gusto ko sana i-describe thru words kaya lang baka malito lang kayo sa pagiisip or sa pagimagine.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 6 > 8 April 2009 (Buhay Bulilit 1)

CHAPTER I

Sa aking murang kaisipan, hindi ko namamalayan na ako pala ay buhay na or existing na sa mundong ito. kung naiisip ko lang kung gaano kalaking kapalaran ang mabigyan ng pagkakataong mabuhay noong mga panahon na iyon; malamang, nagtatatalon ako sa tuwa at kagalakan dahil ipinagkaloob sa akin ng Dios ang buhay na ito dito sa lupa. Kaya lang murang-mura ang isip ko noong mga panahon na iyon.
Ang aking ginagawa noon ay maglaro ng mga hugis, yung laruan na may mga butas tapos i-insert mo dun yung hawak mong hugis. May hugis na STAR, SQUARE, CIRCLE, HEXAGON, TRIANGLE, hindi ko na maalala ang iba. Tapos ang hinihigaan ko noon ay ang kama na nakalatag sa sahig, katabi ko ang dalawa kong ate. Ang hindi ko makalimutang ugali ko nung aking kabataan ay ang Thumb suck. Matagal bago naalis sa akin ang kaugaliang ito. Ang Nanay ko, madalas niya akong pinipigilan sa pag Thumb Suck pero wala siyang nagawa (he he he, siguro sabi niya matigas ang ulo ng batang ito).
May isang pagkakataon, nagkaroon ako ng isang bagay na nagbigay sa akin ng matinding palaisipan. Naktataka ako bakit may mga tao sa Television pero nung tinitingnan ko yun likuran ng TV namin, eh wala namang tao dun. Tapos nakita ko na yung TV ay mayoong cable na nakakabit sa Plug, Ang ginawa ko, humanap ako ng mga Cable na open sinaksak ko sa plug at hinawakan ko yung open wire. Alam nyo po ba kung ano ang nangyari? nakoryente po ako. Simula nun, natuto na ako na huwag humawak sa open na cable na nakasaksak sa mga plugs. Masuwerte pa ako noon kasi ang ginamit kong cable ay yung pinakamaliit na cable, siguro mga 1 mm diameter lang yung cable at isang wire lang ang hinawakan ko.
May isa nanamang pagkakataon na kami ng Nanay ko ay may pinuntahan sa labas, tapos noong pauwi na kami, bumaba ako sa tricycle at humarorot ako sa pagtawid sa Kalye, nakita ko yung sasakyan sa bandang kaliwa ko na malapit sumalpak sa akin, mabuti na lang at mabilis nag preno ang sasakyan at mabilis din akong tumakbo at natawid ko ang kalye nang walang galos pero tiningnan ko ang mga tao sa paligid puro tensyonado lalong lalo na ang Nanay ko, mula nun natutuhan ko na tumawid nang maayos sa kalye.
At isang pagkakataon, nagkaroon ako ng pagiisip tungkol sa Krus na Literal. Ayon sa aking maliit na pagkaunawa noong mga panahong yaon, yung Krus na Literal ay parang binibigyan ng halaga ng mga tao. Ang Ginawa ko, gumawa ako ng Krus, naghanap ako ng kahoy at nakakita ako ng pinutol na piraso ng plywood sabi ko aba ayos to ah, puwedeng gawing Krus. Ginawa ko, kumuha ako ng isang mahabang piraso at isang maikli at kumuha rin ako ng pako, pinako ko sa gitna at natapos ko yung Krus na madalas kong makita sa mga Simbahan. Pero, nung matapos ko na siyang gawin, nagtataka ako parang may hindi sumasangayon sa aking pagiisip. Ang ginawa ko, pinaglaruan ko yung Krus na Ginawa ko, mayamaya dumating ang Nanay ko at pinigil niya ako sa paglalaro ng Krus. Isang araw, ako at ang Nanay ko ay pumunta sa Meeting ng Kiwanis Club (Non Government Organization for Charity works). Pagkatapos ng Meeting, kami ng Nanay ko ay inihatid ng mga kasama nila sa Club pauwi sa aming bahay. At nang kami ay nakauwi na, umalis na rin ang magasawa sapagkat malayo pa ang lalakbayin nila pauwi, of course dala nila ang kanilang sariling sasakyan. Yaong araw pala na iyon ay ang huling araw na ng Magasawang iyon. Ang sasakyang kanilang dala-dala ay na-accidente, at sila ay kapwa namatay sa accidenteng yaon. Doon ko nakita at naunawa na ang tao pala ay namamatay. Biglang pinagsalitaan ako ng Nanay ko na iyon ay nangyari dahil pinaglaruan ko daw ang Krus na ginawa ko. Yun daw ang isang consequence kapag pinaglalaruan mo ang sagradong bagay.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 7 > 16 April 2009 (Buhay Bulilit 2)

Doon sa pangyayaring yaon ako nagkaroon ng pakiramdam ng pagkatakot at pagkalito. Di ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganung pakiramdam, siguro nga dahil may ginawa ako na tila isang maling bagay o di kaya ay natatakot ako dahil nalaman ko na may katapusan pala ang buhay ng mga tao. Pagkalipas ng ilang mga sandali o ilang mga araw ay nawala na sa aking ang pakiramdam na iyon sapagkat tuloy ang buhay ko sa lupa. Ang isang nagpaligaya sa aking puso noong maliit pa ako ay nang makilala ko ang isa kong kababatang girl na si GJ (secret ang full name).... (bitin)

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 8 > 23 April 2009 (Buhay Bulilit 3)

Medyo secret yung kuwento dun sa Kababata ko eh kaya hindi ko muna tinuloy, siguro pag nasa good timing saka ko na lang iku-kwento. Gayon pa man tuloy ang susunod na kuwento, Magpasimula akong mag-aral ng kinder sa Maryknoll High School sa Panabo, Doon ko nakita yung ibang mga batang katulad ko mga maliliit at makukulit. Hindi ko na masyadong matandaan ang mga mukha at pangalan ng mga kaklase ko pero hindi ko makalimutan na naging malapit sa akin na si Gj (yung kababata kong girl). Isang araw sumapit ang aking kaarawan ng aking pagkasilang, laking tuwa ko na ang mga magulang ko ay naghanda para sa aking kaarawan. Buong araw kaming nagdiwang ng aking kaarawan sa school kasama ko ang aking mga kaklase pati na rin ang homeroom teacher namin. Pinakyaw din ng tatay ko ang benta nung isang sorbetero para mabigyan kami ng mga kaklase ko ng Ice Cream. Ang dami daming mga pagkain. Ang cake ko noon ay mayroong mga cowboy na mini toys tapos ang candle ko ay no. 5. Inaabangan ng lahat ang pagblow ko ng Candle at lahat ng mga classmates ko ay nasa dalawang linyang nakatinding (magkaharap ang dalawang linya) at ang katabi ko ay si Gj. Napakasaya ko nang araw na iyon dahil naramdaman ko ang isang kalinga ng mga magulang ko, ng teacher ko at pati ng mga classmates ko. Hindi ko na realise noon na ang stado pala ng pamumuhay ng aming pamilya ay maalwan, medyo may kaya ang pamilya namin nang mga panahaon.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 9 > 2 May 2009 (Buhay Bulilit 4)

May pagkakataon na ako ay sumama sa tatay ko papunta sa trabaho niya. Mayroon palang Warehouse ng Rami ang negosyo ng Tatay ko (Ramie ang tawag sa producto na bine-benta ng tatay ko noon, ito ay ang raw materials na ginagamit para gumawa ng damit). nakita ko rin ang farm niya ng Ramie, siguro mga kalahating hectariya ang lapad. tapos ang lalalim ng mga canal na nakahukay across the farm lagpas sa ulo ko yung lalim (maliit pa kasi ako noon kaya lagpas sa ulo ko yung lalim). Nakikita ko na napakaayos ng paghahanap buhay ng tatay ko noon. Pero di nagtagal, nakikita kong unti-unting nauubos ang pinundar ng tatay ko dahil sa bisyo niya. Mahilig maglasing, manigarilyo at mangbabae ang tatay ko kaya unti-unting nasisira ang maalwan na stado ng Pamilya namin noon. At noong mga panahon na iyon, dahil nakikita ng tatay ko na humihina ang kita niya, napagisipan niyang magmina ng Ginto dahil malakas nga namang kumita ang ginto noong mga panahon na iyon. Nakita ko ang isang lugar na pinuntahan namin na puro mga nagmimina ng Ginto. May mga nagmimina na mahihirap, may nagmimina rin na mga mayayaman. At dahil puro pagmimina ang ginagawa ng tao sa lugar na iyon, pati ang daan na dinadaanan ng mga sasakyan ay napuno ng makapal na putik. Kung maglalakad ka sa kalye, lulubog ang paa mo sa kapal ng putik hanggan sa ankle ng paa mo. Doon sa Municipyo na iyon nagpasimulang naghukay ang tatay ko kasama ng mga tauhan niya para maghanap ng Ginto. Ang minahan na pinaghukayan niya ay medyo malayo sa kalyeng maputik, ito ay nasa bundok. Inakyat namin ang minahan niya, medyo matarik pa naman ang bundok na iyon, hindi kakayaning umakyat ng sasakyan dahil sobrang patarik ang bundok kaya inaakyan namin iyon by foot. Doon sa itaas na kinaroroonan ng hukay ng mina ay naglagay ng isang maliit na kubo na may dalawang palapag ang mga tauhan ng tatay ko, ang ikalawang palapag ay parang naging kisame ng unang palapag at ang daanan panuta sa ikalawang palapag ay vertial na hagdanan. Minsan ako ay natulog sa ikalawang palapag, Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil noong araw na iyon, ako po ay nahulog mula sa ikalawang palapag pababa sa unang palapag, pero awa ng Dios, ako po ay nasalo ng Tatay ko sa pagkakahulog, siguro dahil malikot akong matulog e napunta ako daan ng palapag. Salamat sa Dios sa kaniyang pagliligtas.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 10 > 10 May 2009 (Buhay Bulilit 5)

Dahil doon sa pagkaligtas ko sa aking pagkahulog, nakaramdam ako ng takot at palaisipan kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi ako nasagip sa pagkakahulog. Gayon pa man ay may naranasan akong parang katulad ng pangyayaring yaon. Ito po ay nangyari sa aming bahay sa Panabo Davao, hindi ko na maalaala kung ano yung bagay na pilit kong ilagay sa itaas ng aparador namin pero ang hindi ko makalimutan ay kung papaano ako nahulog. Nahulog po ako na una ang ulo pabagsak sa sementadong sahig sa bahay namin. Dahil sa awa ng Dios, naligtas na naman ako sa pamamagitan ng kamay at braso na ibinigay niya sa akin dahil kung wala akong kamay at braso baka nabagok na ang ulo ko sa matigas na semento ng bahay namin. Masakit ang aking siko noong bumagsak ako at na-dislocate ang akin siko. Ayon sa X-ray ng kanang braso ko, ang siko ko ay nawala sa locasyon na dapat niyang kinalalagyan at sinimento ang aking kanang braso. Mahirap pala yung may semento sa braso dahil limitado ang kilos ng katawan. Natutuwa naman ako sa mga tao sa paligid ko, dahil nakikita nila akong may semeto sa braso, siyemre ang bait bait nila sa akin. Umabot yata ng isang buwan bago inalis ang semento sa braso ko. Nagulat nga po ako dahil noong nilalagari na ang semento sa braso ko pakiramdam ko hinihiwa rin ang laman ko pero noong maalis na ang semento, eh wala naman akong sugat, sa isip isip ko ayos yung lagari na iyon ah, ang pinutol niya ay semento lang hindi ang laman (may mga bagay na hindi ko pa naintindihan kasi gaya nga ng lagari na iyon :-\ ). Kinunan uli ng X-ray ang braso ko, ayun awa ng Dios iba na ang istura kay sa dati kong X-ray. Siguro nga OK na, magaling na nga siguro yung pilay ko.
May iba pa akong naranasan patungkol sa aking health o kalusugan gaya ng nagkaroon ako ng tigdas (german measles), nagkaroon ako ng kulani sa Eyelid ko - inoperahan pa ako noon inalis yung dalawang kulani sa eyelid ko. Naranasan ko na ring mapaso ng lumiliyab na plastic sa kanan kong braso at natuklap pa yung balat na napaso ( :-s sakit sakit). Dahil sa mga pangyayaring iyan ako ay nagkaroon ng karanasan na masaktan sa laman.
At unti unting nararanasan ko na rin ang masaktan ng kalooban. Pero bago ko naranasan ang masaktan ng kalooban, ako muna ang nanakit. Ang isa sa nasaktan ko ng kalooban ay ang kababata ko na si GJ, siguro dahil medyo hindi kaming madalas magkasama kundi nagkikita lang kami sa School. Siguro, dahil ang madalas ko nang kasama ay yung isa naming kababata na si Jelly, kasi si Jelly ay kapitbahay lang namin, yung parents ni Jelly ang bumili ng lupa namin na dapat sana ay yun ang pagpapatayuan namin ng bahay, pero siguro dahil nakakaranas na kami ng hirap, walang magawa ang tatay ko kundi ibenta ang lupa namin na iyon sa parents ni Jelly. Marahil yung ang tinatawag natin na Jealousy. Hindi ko na masyadong napapansin yun hanggang sa dumating ang isang event ng Little Miss at Little Mister ng Kiwanis Club na ka-affiliate ang mga magulang ko.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 11 > 16 May 2009 (Buhay Bulilit 6)

Sa hindi inaasahang pangyayari, Ang naging ka-partner ko ay si Jelly. Hindi tanggap ng kalooban ko na hindi si GJ ang kasama ko sa Little Miss & Mister na Event na iyon, I started to realize that I want to be with her but I am helpless. Naka-set na ang mga bulilit partners at hindi na puwedeng magswitch partners. Nagpasimula na ang event, at bahagi sa event na iyon ay ang parade na gagawin sa palibot ng maliit na siyudad na iyon. Dinaanan namin ang aming school papunta sa palengke hanggang sa basketball grandstand na malapit sa simbahang katoliko, doon nagtapos ang parada pati na rin ng event na iyon. Kaya lang hindi ako masaya, kasi nga sa buong event na iyon halos wala akong chance para makalapit kay GJ at tsaka medyo masama na nga rin ang loob niya sa akin nang mga panahon na yaon. Pero natutuwa na rin ako ng kaunti dahil pagkatapos na pagkatapos ng event na iyon nagkaroon ako ng chance na magpapicture kaming dalawa lang. At sa aking mga alaala, yun na yata ang huli naming pagkakataong magkasama. Kailangan nang lumipat ng ibang school si GJ at hindi na talaga kaming madalas na magkita. Gayon pa man ay tuloy ang buhay kahit na parang nawalan ako ng malaking bahagi sa buhay ko noong mga panahon na iyon =(( . At ang mga pangyayari ay lubhang napakabilis, Ako ay madaling naka-recover sa mga kalungkutan na nararamdaman ko noon, siguro dahil hindi ko pa masyadong naiintindihan ang mga nangyayari sa akin noon.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 12 > 30 May 2009 (Buhay Bulilit 7)

Anyway, tuloy ang buhay ko bilang isang Bulilit, Panay laro ang ginagawa ko noon hanggang sa dumating ang isang pagkakataon na parang na-challenge ako nung makita ko ang mga ate ko na nakakapagpatako sila ng bisekleta. Iniisip ko noon, papaano bang mag-drive ng bike? Sa hindi inaasahang pangyayari, pinasakayan ako ng dalawa kong ate sa bike na dala nila. Hawak hawak nila ang manubela tapos tumakbo kami. Maya-maya namalayan ko na lang na wala na pala sila sa tabi ko. he he he, tuwang tuwa ako noon dahil natutuhan ko kaagad ang mag-drive ng bike sa pinaka-unang pagkakataon which is parang impossibleng mangyari kasi nakikita ko yung ibang mga bata na nahihirapang matutong mag-drive ng biglaan, di gaya ko, di ba, eh ako .... eh... nabigla pa nga ako dahil nag-da-drive na pala ako ng bike na ako lang (medyo proud lang po sa sarili :ymsmug: ). Hindi ko inaalala kung ano ang mangyayari sa akin habang nag-ba-bike ako, hindi ko na iniisip kung matutumba ba ako o dili kaya ay mababangga o kaya ay makakasagasa, basta ako ay tuwang tuwa dahil nga sa bagong kaalaman at kahusayan na natutuhan ko sa pag-ba-bike. Dahil doon sa pagyayaring iyon, mas mapalaliman ko pa ang akin kaalaman tungkol sa bisekleta. Iisa-isahin ko lang po ayon sa akin maliit na karanasan> Una, kailangan ng movement / speed; Ikalawa, Kailangan ng control sa manubela; Ikatlo, kailangang harapin ang takot o di kaya ay kalimutan mo ang takot sa pag-ba-bike. Ang mga ito ang maaaring nagbigay sa akin ng biglaang pagkatuto sa pagmamaneho ng bisekleta.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 13 > 07 June 2009 (Buhay Bulilit 8)

Ang isa sa ayaw na medyo nagugustuhan ko noon ay ang magaral. Althought nakakatanggap ako ng mga award noon sa school, mas gusto ko pa rin ang ginagawa ko sa labas ng school. baon ko yata noon ay Piso lang (malaking coin pa ang piso noon), nakakabili na ako noon ng inihaw na saging at juice. Ang isa sa pinakapaborito kong ginagawa noong maliit pa ako ay ang manood ng TV. Sesame Street halos pinapanood ko yata iyon araw araw pati na rin ang batibot. Eat bulaga, napapanood ko na rin noong time na iyon medyo matagal-tagal na rin pala ang Eat Bulaga na variety show. Pero maliban diyan, nakakapakinig na rin ako ng radio. unknowingly, etong mga technology na ito ay may magiging malaking impact sa buhay ko at pati na rin sa iba. Akin napagalaman na sa Television/Radio Media ay mayroon palang chance na tayong nasa malayo ay mapapakinggan natin kung ano ang mga sinasabi at makikita natin kung ano ang nangyayari sa ibang malalayong lugar which is amazing. hindi ko pa na-re-realize yun noon basta ako ay walang pakialam kundi manood :D meron na rin akong video game noon, snoopy tennis medyo hindi lang maganda yung graphics. Sa mga laro, sobra-sobrang pag-gugol ang ginawa ko dun, sa outdoor games (sa kalye) > Patentero, tumba lata, Piko, chinese garter (tagapanood lang) :ymsmug: , larong goma, dodge ball, foot base ball, Hide & Seek; sa indoor games (sa bahay) > domino, scrable, chess > cool di ba B-). Gusto ko ring lumangoy sa dagat kasama ng mga kalaro ko, 15 minutes lang kasi ang layo ng dagat sa bahay namin, maganda kasi dun sa beach kasi ang katabi ng beach ay isang imbakan ng mga troso, dun kami naghahabulan sa mga troso, sinisita kami kasi delikadong maglaro doon dahil baka maipit kami ng mga troso pero makulit kami kaya di kami mapigil ;;) ang pinakagusto ko sa beach ay ang pagkain hmmmmmm kasi very common naman na sa tuwing pumupunta sa beach ay may pagkain na masarap, very common beach food ay inihaw na baboy, inihaw na isda, nilagang hipon, pansit (bihon at malalaki), Kanin, softdrinks na may yelo. Ang hindi ko makalimutan sa beach ay ang mga happy faces ng mga kaibigan at ng mga mahal ko sa buhay.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 14 > 13 June 2009 (Buhay Bulilit 9)

Yung mga masasayang araw ng buhay ko ay unti unti nang naglalaho nang magpasimulang nalulong ang tatay ko sa Biso. Hindi sa sinisiraan ko ang Tatay ko pero halos naging napakasaklap ng mga ginawa ng Tatay ko noong mga panahon na iyon. Umiinom siya ng alak, naninigarilyo, pumupunta sa mga night club, hindi ko na lang alam ang iba pa niyang ginagawa. Noong nauubos na ang ari-arian namin ay nagpasimula nang maging magagalitin ang tatay ko. Kapag siya ay nagagalit, mahilig siyang magdabog. Dinadabog at hinahagis niya ang mga gamit namin sa kusina, walang magawa ang nanay ko dahil nga ang tatay ko ang siyang nangungulo o namumuno sa aming pamilya. Pero gayun pa man, masakit sa kalooban kasi ang bata bata ko po para makarinig ng mga salitang pasigaw at mga pagmumura ng tatay ko. Iniisip ko noon "galit na naman tatay ko kailangan kong magtago". Nagsara ang mga negosyo ng tatay ko at hindi na siya tinutulungan ng mga Uncle ko pati ng Lolo ko dahil sa katigasan ng kaniyang ulo. Hindi ko na rin alam kung papaano kami nakaka-survive pa noon pero pinipilit pa rin ng nanay ko at ng tatay ko na makapagaral kami sa isang private school. Dumating ang panahon na ang tatay ko ay nagkaroon ng pagkakataong na makapagtrabaho kasama ng kaibigan niyang Filipino-Chinese. Medyo nagkaroon kami ng kahit kaunting pera para mairaos ang aming pagaaral at ang aming pangaraw-araw na gastusin. Minsan kami ay bumisita sa bahay ng kaibigan niya, medyo maganda at malaki ang bahay nila tapos kumpleto ng mga gamit sa bahay. Sabi ko sa sarili ko, siguro nga nakakuha ang tatay ko ng magandang trabaho. Madalas, ang tatay ko ay lulumabas at maglakbay sa malalayong lugar dahil sa trabaho niya. Madalas na rin kaming naiiwan ng Tatay namin noong maliliit pa kami pero ok lang dahil sinusuportahan niya naman kami. Dumadalaw siya sa amin pero hindi siya nagtatagal at umaalis din siya. Tuloy ang buhay kahit hindi namin kapiling ang amin tatay.

Susunod ay ang perl anniversary ng LoLo at Lola.....

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 15 > 15 June 2009 (Buhay Bulilit 10)

It has been 30 years na nagsasama ang Lolo at Lola ko. Sa totoo lang nagtataka talaga ako kung bakit kinakasal ang mga magasawa noon, wala pa kasi akong muwang noon. anyway, Sa kabila ng mga bagay ng nangyayari sa buhay ko, may mga bagay din palang nangyayari sa buhay ng ibang mga Tao. Sa totoo lang, if I will compare the present from the future, I could see very big difference sa buhay ng mga magasawa. Can you imagine ang lolo ko at lola ay nagsasama for 30 years. Hindi ko namamalayan ikakasal na naman daw sila to commemorate the tie between the two of them. Naaalala ko pa na talagang pinaghandaan ng aming mga kamaganak at ng amin buong pamilya ang wedding anniversary ng Lolo at Lola ko. Ikinasal sila sa Simbahan ng Katoliko sa Davao. Halos lahat ng mga kamaganak namin ay dumating sa kasalan. May mga kamaganak kami na nanggaling sa America at sa iba't ibang mga bansa. Full house ang simbahan kung hindi ako nagkakamali. During the ceremony, may mga nagsho-shoot ng kasal tapos ang lalakas ng ilaw, well ako that time ay walang alam kung ano ang ginagawa nila siguro iniisip ko na lang na kasama sila sa Ceremonia ng Kasal :-$ Dahil sa sobrang lakas ng ilaw at sa madalas na pagkilos ng mga tila ADDPRO, wala akong magawa kundi ang takpan ng bahagya ang mata ko ( hindi ko alam kuha pala ako sa camera :D wat to do, I am still innocent at that time ) natapos ang kasal pero ang concentration ko ay napunta doon sa mga tila ADDPRO. Hindi nagtagal, ay pumunta sa bahay ng lolo at lola ko sa isang magandang subdivision sa Davao. Doon kami kumain ng pagkain sa Kasal. Doon ko rin na-meet ang mga pinsan ko na tila parang mga hindi Filipino kasi hindi sila marunong magsalita ng tagalog. Tinipon kaming mga bata at inilagay kami sa Basement ng Bahay hmmmm maganda ang basement parang class din ang pagkakagawa (maingay siguro kami noong time na iyon kaya kami inilagay sa Basement Room parang mga KNC ngayon) doon ako nagkaroon ng chance na makausap ang mga pinsan ko na mga Filipinong hindi marunong magtagalog pero ang problema hindi pala tagalog ang sinasalita ko noon kundi Bisaya nagtataka naman ako pero naiintindihan naman daw nila ako /:) weird hah? Siguro language ng bata ang ginagawa namin kaya kami nagkakaintindihan alam mo yung parang sign language with facial expression. At last, kainan na.... bakit kaya laging ganun ano, sa tuwing may celebration may kalakip na kainan session. Pagkatapos, nun Picture Picture naman tapos alam nyo ba na pinakita nila ang video sa simbahan, ayun kitang kita ko sarili ko tinatakpan ko mata ko. ganun pala iyon, ang pinagtatakahan ko lang bakit nagtatawanan sila noong nakita nila na tinatakpan ko ang mata ko eh pinoprotektahan ko lang naman mata ko sa maaaring makapinsala x_x x_x dito dahil sa malakas na ilaw. di ba.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 16 > 17 June 2009 (Buhay Bulilit 11)

Naranasan nyo na ba kung ano ang pakiramdam ng nagkamali at sasabihin mo sa sarili ay "Bakit!!! Bakit ko ginawa ito??????!!!!!!??????" ? Ako, hinding hindi ko makakalimutan na may ginawa akong masama noong maliit pa ako. Isang araw namalayan ko na lang na meron pala akong Ninong at Ninang kasi ako po ay bininyagan sa Katoliko noong kapanganakan ko. Wala akong kamalay malay kung ano ang pinaggagawa ng mga relihion sa akin noong sanggol pa lang ako, ngayon alam ko na > kuwarta ang habol. hay naku, siguro kung hindi ako naging katoliko noong sanggol pa ako at kung ako ay naturuan ng katuwiran sa Biblia, maaaring hindi ko nagawa ang mga bagay na sumusunod:

1. Sumapit ang isang pagkakataon at nalaman ko ang halaga ng pera. Binibigyan ako ng nanay ko ng 5 centimo, nakakabili na ako noon ng limang pirasong candy. Tapos pumalaon nang pumalaon ang panahon, naranasan ko na nangailangan ako ng pera nakalimutan ko na kung saan ko kailangan ang pera pero ang masaklap ay hindi ako humingi sa tatay ko o sa nanay ko kundi ninakaw ko sa wallet ng tatay ko. Sa murang mura kong kaisipan napansin ko na mali itong ginagawa ko, walang nagsabi sa aking tao pero alam ko parang may nagsabi sa akin at naramdaman ko na maling mali ang ginawa ko.

2. May isang pagkakataon naman na ang mga anak ng Ninong ko ay kasama ko dahil nagmeeting ang club ng mga magulang namin. Siyempre kaming mga bata eh di naglalaro kami sa labas ng bahay na pinagkakatiponan nila. Naglalaro kami ng habulan at harutan. Tapos sumampa kami sa Malaking trailer truck doon naman kami naghabulan sa trailer ng truck. Nagtutulakan kami, eh nilakasan ko ang pagtulak ko... Hindi ko napigilan, dahil sa pagtulak ko nahulog ang anak ng Ninong mula sa trailer ng truck hanggang sa baba, sa kalye. Ang masaklap nun bago siya nahulog sa kalye, tumama ang harapan ng leeg niya sa side cover ng trailer. Akala ko, mamamatay na siya, dali daling nilang hinatid siya sa Hospital. Hindi ako pinagalitan ng sinomang tao pati magulang ko ay hindi ako pinagalitan pero sa loob loob ko "Bakit ko ginawa ito?" Kung sa bagay accidente ang nangyari pero mali pa rin ang ginawa ko.

3. Isang araw dumating ang tatay ko sa bahay, galit na galit at nagwawala, sinisigawan kami ng mga kapatid ko at ng nanay ko. Takot na takot kaming lahat. Pinagtatapon niya sa sahig ang mga plato, kaldero, baso, atbp. Dahil sa madalas na gawin ng tatay ko ang mga bagay na ito, unti unting napalitan ang takot ko ng poot sa tatay ko. Dumating ang isang pagkakataon gusto ko siya ganithan kaya lang maliit pa ako noon sabi ko pa nga sa sarili ko "Hintayin mo lang na lumaki ako, makikita mo ang hinahanap mo" sinasabi ko ito sa isip ko patungkol sa tatay ko. Nabuo ang galit sa puso ko noon dahil lagi na lang galit ang tatay ko, wala siyang galang sa amin na mga anak niya.

Susunod ang talentong natutuhan......

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 17 > 24 June 2009 (Buhay Bulilit 12)

Kung talent ang paguusapan, medyo marami raming mga bagay ang maikukuwento ko sa inyo:

1st Talent: Musician, Sa Piano, maliit pa ako ay pinapapasok ako ng tatay at nanay ko para magaral ng Piano. Kaya kong tugtugin ang "Mary has a little lamb" at "one little two little three little indian" (what a talent :D) nagkaroon tuloy ako ng idea tungkol sa music. Nakikita ko may electric organ sa simbahan ng katoliko, nakikita ko rin na may mga gitara sa mga born again fellowship. So OK, this is what we called music, may musical instruments, may mga musician, may mga singer/vocalist pero deeper into that they need the so called talent to play the music harmoniously, hehehe wala pa sa akin yung talent na iyon nung maliit pa ako pero at least di ba alam ko nang tugtugin sa piano ang "Mary has a little lamb" at "one little two little three little indian". Di nagtagal, I can no longer pursue my career as pianist because we are running out of money :( > I didn't feel sad to think that I am loosing an opportunity to become a professional pianist (ngayon ko lang na-realize na sayang, eh paano kasi bata pa ako noon kaya di ko naisip kung ano ang magiging advantage mo sa buhay kung marunong or mahusay kang magpiano). Ok lang, pero natutuwa ako sa nanay ko kasi noong wala na kaming masyadong pera para sa piano lessons ko, may naisip siyang ibang puwede kong gawin. Alam niyo po ba na nagorder ang nanay ko ng Acoustic Guitar para magamit ko to continue learing music. Pumunta kami sa pagawaan ng gitara to measure my fingers and arms para magawaan ako ng custom made na acoustic guitar. Hindi ko alam kung ano ang feeling ko noon pero i am sure proud na proud ang nanay ko dahil nakikita niya na i can still continue their dream for me to play music (how inspiring naman :ymdaydream: ) kaya kasama ko nang palagi ang gitara ko maliit pa lang ako. Ang music na tinutugtog ko noon sa songhits ko tinitingnan > chords naman ang inaalam ko para makapag-play ng guitar. Naalala ko ang mga tinutugtog ko noon ay ang mga songs ng Bee Gees, Beatles, mga kanta ni Frank, at di ko na nalalaman ang iba pa (mga kanta ni Frank > huwag nyo na lang alamin yung apelyido ni Frank).

Susunod ang 2nd Talent..........

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 18 > 25 June 2009 (Buhay Bulilit 13)

2nd Talent: Bilingual tounge, isang pagkakataon na nangyari sa akin ay ang maglakbay kami, kasama ng nanay ko papunta sa home town niya na sa Zamboangga City. Hindi ko lang alam kung First time kong sumakay ng barko pero naalaala ko na napaka-amazing na meron palang sasakyang pangdagat na puwedeng maglakbay sa ibabaw ng tubig. Siguro nagtataka rin ako kung bakit pagkalaki-laki ng barko eh hindi lumulubog pero ako pagkaliit-liit ko pero lumulubog ako sa dagat > weird huh?? :-\ Anyway, nakasampa na kami sa barko at kami ay naglakbay sa dagat makalipas ang ilang mga araw nakarating kami sa Zamboangga City na lugar na pinagsilangan ng Nanay ko. Pagbaba namin sa barko, kinailangang bumiyahe nanaman kami ng bangka para naman makarating sa lugar na kinaroroonan ng mga kamaganak ng nanay ko. At kami ay dumating na sa lugar nila, medyo rural yun area pero may mga tao naman din. Hindi nagtagal sumama na ako sa mga pinsan ko at namasyal sa mga lugar - lugar. May lugar na napapalibutan ng mga kahoy, may lugar na matutulis ang mga bato, may lugar na nasa tabi ng dagat (magandang view), doon ko rin naranasan ang sumakay sa kabayo at maglakay (site seeing lang). :) nakakatuwang isipin na may mga ganun palang lugar sa dakong yaon. Oooppppss! ano nga bang portion ito ng kuwento? ahh 2nd talent pala. Napahaba na ang intro sa kuwentong ito. Sa di inaasahang pangyayari at mga kaganapan, hindi ko namamalayan na ako pala ay nagsasalita na ng Chavacano (derivative ng spanish language na na-adapt ng mga Zamboangenyo). Pero sa totoo lang parang wala naman talaga akong naalaala na ngayon kahit na isang salitang Chavacano pero sabi nila noong time na iyon ang bilis kong na-aquire ang Chavacano language sa ilang araw lang na pag-stay ko sa lugar na iyon. Well, maybe because bata pa ako at may kakayahan pang magsaulo ng bata kaysa matanda pero masasabi ko lang siguro kung ako ay magkaroon ng pagkakataong mag-stay sa lugar na iba ang language at kung kinakailangan kong magsalita ng lenguahe nila, Maaari kong matutuhan agad ito gaya na nga lang ng nangyari sa akin doon sa Zamboangga.

Susunod ang 3rd, 4th talent or more kung meron pa......

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 19 > 07 July 2009 (Buhay Bulilit 14)

Miscellaneous Talent: At the very young age, I have learned to play chess and a little bit of knowledge in Scrabble. Although natatalo ako sa mga games pero hindi sila makapaniwala na ang kalaban nila ay bata :ymsmug: (humblge). At alam nyo po ba na dahil sa mga cartoons na napapanood ko sa Television, dumating ang isang pagkakataon out of the blue eh nagsimula akong mag-drawing ng mga superhero characters > my favourite character is Wolverine ng X-men sa pagkakaalam ko siya ang unang-una kong nai-drawing > yung quality ng drawing, siyempre quality ng bata taga-drawing ;) at least nakaka-drawing di ba. May mga iba pang mga talent na ibinigay ng Dios sa akin later on sa pagpapatuloy ng KUWENTONG MAHABANG MAHABA na ito ay ating matutunghayan kung ipagkakaloob ng Dios. At dahil dito sa mga talentong ito, dito ko natutuhang gamitin ang aking murang-murang kaisipan. Sa paggawa o sa pagpapakita ko ng aking talento natutuhan ko na mayroon palang TAMA at mayroon ding MALI. Halimbawa: Kapag tumutugtog ako ng gitara, dumarating ang pagkakataon na nalalaman ko na mali ang chords na ginagamit ko dahil wala sa tono. Habang nalalaman ko ang mga pagkakamaling ito, natutuhan ko siyang gawing tama kahit pa-unti-unti hanggang sa matapos ko ang isang kanta na walang pagkakamali. Sa paglalaro ng Chess, may mga bagay na dapat kong gawin at may mga bagay din na dapat huwag gagawin upang manalo sa laban kalakip dito ang pagpa-plano ng mga pag-move ng piyesa at ang pagiisip kung ano ang mangyayari kung gagawin ko ang ganitong move o dili kaya ay ang ganong move. Involve ang pagiisip ko para maisagawa ko ng maayos ang talentong ito na aking natutuhan. Lumilipas ang mga panahon at ako ay lumalaki na, nararamdaman ko na sa buhay ko ay may mga bagay na Mali at Tama, may mabuti at masama. Hindi ko nasiguro sa sarili noong bata pa ako ang tungkol sa Dios kaya ang buhay ko noon ay nasayang din. Kahit na ako ay bata pa, siguradong may magagawa akong mabuti kaya lang hindi ko iyon naisip noon.

Susunod ang salbaheng bata (ako) .....

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 20 > 11 July 2009 (Buhay Bulilit 15)

Ako man ang naging salbaheng bata rin. Sa aking murang kaisipan hindi ko inaasahang dumating na pala sa akin ang maging salbaheng bata.
Naglalaro kami noon sa kapitbahay na medyo mayaman, concreto ang bahay pero di pa masyadong tapos. Kalalaro nang kalalaro napunta kami sa likuran ng bahay, doon may mga halaman na nakatanim. Alam nyo po, siguro out of the blue parang may nagtulak sa akin na putulin yung isang bulaklak na pababa ang pagbloom di ko alam kung ano yung bulaklak na iyon pero kawawang bulaklak dahil pinitas ko. Pagkagawa ko nun, binalaan ako ng anak ng mayari ng bahay at parang sinabi niya sa akin, "hala ka bakit mo pinitas iyan, alam mo bang paborito ng Mommy ko yang bulaklak na iyan?" At mula noon napatigil ako, oo nga bakit ko nga ba ito pinitas? At dahil doon sinugod ng Nanay ng kalaro ko ang Nanay ko sa bahay namin at nagrereklamo. Ang sabi niya sa nanay ko: "Bakit ganyan ang anak mo at pinipitas niya ang mga bulaklak sa bahay namin?" alam nyo po ba kung ano ang sinagot ng nanay ko? Sabi ng Nanay ko, "Bakit ba? ikaw rin naman namimitas ka rin ng bulaklak sa bahay namin." sa isip isip ko bakit ito sinabi ng aking nanay? yun pala ay dahil humingi pala siya ng mga bulaklak sa nanay ko dati at pinagpipitas din niya sa garden ng bahay namin. Haayy, sabi ko ano ba itong nagawa ko dahil lang sa ginawa ko out of the blue nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko 8-|
Minsan naman, ako ay nagtataka kasi may mga pagkakataon sa buhay ko na naalaala ko na pinagsusuntok ko ang mga ate ko. Di ko na matandaan kung bakit ko sila pinagsusuntok pero napakasalbahe talaga ng ginawa ko na iyon.
Siguro dahil may mga gusto siguro ako na hindi ko nakukuha at sinisisi ko sa mga ate ko kung bakit wala ako ng mga bagay na meron sila maaaring yun ang dahilan pero di ko sure. Kaya lang, di ba, napakasalbahe kong bata siguro kaya hindi ko na maalaala kasi tumaas na masyado ang pride ~x( ko at ang iniisip ko ay kung paano ako makaganti sa mga ate ko.
Minsan din ay dinadabugan ko ang Nanay ko at di ko sinusunod kung ano ang gusto niyang gawin ko kaya napalo niya rin ako. Ang tatay ko di ko dinadabugan kasi takot ako sa tatay ko, lagi kasing terror ang mukha niya at madalas siyang nagagalit, kaya kapag may inuutos ang tatay ko sa akin, ang lagi kong sagot ay "yes" :-bd "opo" pero deep inside me parang rebelde X( . Meron pang mga bagay na nagawa ako na nakapagiisip ng masama sa mga tao pero masyado nang magulo kung sabihin ko pa. Iniisip ko nga ngayon, na wala akong kuwentang anak dahil sa dinamidami ng mga bagay na ibinigay sa akin ng mga magulang ko pero naging salbahe pa ako sa kanila :hmm:

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 21 > 13 July 2009 (Buhay Bulilit 16)

Lumilipas nang lumilipas ang mga panahon, ang dating(old,past) maalwan na buhay namin ay naghihirap na. Ang tatay ko hindi na nakakauwi nang madalas dahil malayo ang trabaho niya, siya ay nagtatrabaho sa lugar ng Palawan. Nararanasan ko sa buhay bilang(as) bata na ako ay naiinggit sa ibang mga bata kasi may mga gamit sila at ako wala. Magaganda ang damit nila siguro laging bago pero maganda naman ang pagdadala ko sa damit ko laging bago din naman, ang tahi, madalas tahiin ng nanay ko. Naglalakad lang madalas ako papunta sa school ( pero kahit noong maginhawa pa ang buhay namin naglalakad na talaga ako papunta sa school :D lapit lang eh 10 mins walk ). Maraming mga problema sa pera ( pero hindi ako nagkakasakit kahit ang mga ate ko at pati mga magulang ko ). Lagi kaming nauubusan ng bigas sa bahay ( kasi lagi rin kaming kumakain > wala na sa hulog itong mga sinasabi ko pero totoo naman ). In short nahihirapan na kami sa buhay ( pero tuloy ang buhay kahit mahirap :ok: ). Di nagtagal at kinailangan na naming iwanan ang lugar na pinagsilangan ko at kami ay paroroon sa dakong may pinaghahanap-buhayan ang tatay ko. Sa unang hinagap ko ay parang hindi ko kayang iwan o alisan ang lugar na kung saan doon namulat ang aking mga mata (matang physical) at kung saan doon ko inilakad ang aking mga paa sa dakong iyon. Although mahirap mang isiping, wala kaming magawa. Kung ipagpipilitan ko ang sarili ko na manatili sa lugar na iyon ay wala akong magagawa (bata ako eh, dependent sa magulang). Yun lang, wala akong kakayahang mabuhay na magisa. Kaya ako ay sumama sa aking mga magulang at ate para lakbayin ang paglalakbay na nakalatag sa aming harapan. Muli kami ay lumulan sa sasakyan mula sa municipyo ng Panabo papunta sa Davao port terminal, at mula Davao City pumunta naman kami sa Zamboangga City. Kami ay bumababa(went down) sa barko at pumunta naman kami sa lancha na pagmamayari ng Amo ng Tatay ko pero itong lancha hindi po ito maliit na speed boat kundi ito ay maliit na barko na gawa sa kahoy. Doon kami nagstay sa lancha ng ilang mga araw. Na-meet namin ang mga crew ng barko at ang kapitan ng barko. Na-oobserbahan ko na iba ang mga kaugalian ng mga tao dito, hindi sila kagaya ng mga tao sa Panabo, Davao na masasabi ko na may magagarang suot at maaayos ang mga pagkilos. Ang mga ito ay kakaiba.

Susunod ang buhay ng batang mangdaragat....Ang katapusan ng unang Chapter.... abangan

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 22 > 18 July 2009 (Buhay Bulilit 17)

Masarap mabuhay sa tabi ng dagat, maririnig mo ang mga alon na tinutulak ng hangin, maging ang hangin man ay masarap pakinggan sa tainga. Hindi ko lubos maisip na iba na pala ang takbo ng buhay ng aming pamilya dahil sa mga oras na yaon ay wala na kaming masasabing permanent address sa Pilipinas. Pansamantala, ang address namin noong mga panahong yaon ay sa pang-pang ng Zamboangga City. At dahil ako ay bata pa, unti-unti kong naiintindihan kung papaanong mamuhay bilang isang mangdaragat.
Masasabi kong hindi maalwan at hindi rin naman mahirap ang buhay ng marino. Pagising sa umaga, pupunta ka sa banyo, ang maganda sa banyo ng lancha ay hindi mo na kailangan i-flush kasi walang bowl, diretso na sa dagat. Hindi pinapayohang maligo kasi kailangang magtipid sa tubig. Ang main job na nakikita kong ginagawa ng mga marino ay maintenance at improvement ng mga kagamitan. Kapag sinasabi nating maintenance, kailangang linisin ang lancha, muling pagpipintura, pagiimbak ng mga spare parts, pagtitingin ng Makina ng Lancha. Kapag sinabi namang improvement ay paglalagay ng karagdagang water pump para mailabas yung mga waste water na nakaimbak sa loob ng lancha.
Isang araw, kasi nadumihan yata ang kamay ko noon, naghahanap ako ng tubig para mahugasan ko ang aking kamay pero wala akong makita hanggang sa nakita ko na sa gilig pala ng lancha ay may lumalabas na tubig. No choice ako dahil kailangan kong hugasan ang mga kamay ko kaya ang ginawa ko nag-over the bakod ako, humawak ako sa tali at dahan-dahan akong bumaba papunta sa nilalabasan ng tubig (take note: kapag binitawan ko ang tali na hawak-hawak ko, ang bagsak ko ay sa dagat kasi nga nag-over da bakod ako, eh wala naman kasing nakakakita sa akin eh kaya ako nag-ober da bakod. Siyempre nagiingat ako para huwag akong mahulog sa dagat :ympeace:). At narating ko na ang nilalabasan ng tubig galing sa barko at naghugas ako ng kamay. Pero mali pala yung ginawa ko na iyon, kasi hindi lang pala tubig ang lumalabas doon kundi pati langis kaya (therefore) walang kuwenta ang paghugas ko ng kamay kasi nangamoy Used Oil ang mga kamay ko. Bunga(resulting to...) po ng aking kamangmangan ay nagawa ko ang bagay na ito dahil hindi ko alam eh hehehe :D buti na lang at walang nakakita sa akin.
Gayong pa man, tuloy ang paghahanda para sa isang malayong paglalakbay, pinalitan nila ang pangalan ng lancha at pinamagatan ng Kapitan na "Palawan Venture". Nagiimbak ng mga extrang pagkain para makain namin sa biyahe. Nakikita ko rin kung papaano sinukat-sukat ng Kapitan ang Mapa ng Sulu sea dahil inaalam niya kung magiging ilan ang mga araw ng paglalakbay. Tinatancha niya rin kung ano ang magiging epekto ng Hangin sa Biyahe kasi may dalawang klaseng hangin ang dumadaan sa lalakbayin namin, isang Hanging Habagat at isang hanging Amihan. Hindi ko lang alam kung ano ang hangin ng panahon iyon pero sabi ng Kapitan kailangan hindi diretso ang tatahaking biyahe kasi baka pahirin kami ng hangin at baka maligaw kami. Sa Paglalakbay pala ay kailangan ng Mapa, Drawing Compass, Compass at kung anu-ano pa. Masyadong masalimuot ang paglalakbay sa dagat. Kailangang magingat kasi baka mabangga sa mga maliliit na isla at yun ay malalaman natin sa mapa. Ito na pala ang mga huling araw namin sa Mindanao at papunta na kami sa lupain ng Palawan.

Susunod ... "hindi ko tanaw ang lupa" sa panibagong yugto ng buhay...abangan

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 23 > 21 July 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 1)

CHAPTER II

Ang lanchang aming tinitirahan ay magiiba na ng Adress kaya ang madalas naming nasasabi sa aming pamilya ay mga NPA - "NO PERMANENT ADDRESS". Lumulan ang lancha ng bandang hapon at unti-unti kong nakikita nalumalayo na kami sa lupa. At kami ay nagpahinga sa gabing yaon ng unang araw ng paglalakbay.
Kinabukasan, ako ay nagising at aking nasumpungan na wala na ang mga lupa sa paligid namin kundi ang natatanaw ko ay puro dagat at minsan may mga flying fish na lumilipad-lipad sa ibabaw ng dagat at muling sumisisid sa ilalim ng dagat. Minsan ang paglalakbay namin ay payapa, minsan naman ay rumarampa kami sa dagat dahil malalaki ang alon, pagkaminsan naman ay para kaming dinuduyan dahil mild lang ang mga alon. Lumipas ang oras at dumating ang hapon, sabi ng Tatay ko, halikayo at tingnan natin ang paglubog ng araw, doon ko na-realise na medyo mabait pa rin naman pala ang tatay ko at tiningnan naming mag-pamilya ang paglubog ng araw. Pagka-ganda-ganda ng araw dahil walang nakatakip na ulap nang aming makitang bumababa siya sa ilalim ng dagat (of course yun ay sa aming paningin lamang pero in reality hindi naman talaga sa ilalim ng dagat bumaba ang araw) at kami ay muling natulog nung kinagabihan.
Kinabukasan, same-same, pare-pareho. at kami ay muling natulog nung kinagabihan.
Kinabukasan, kami ay nakarating sa Tubbataha Reef. Ang Isla sa kalagitnaan ng Sulu Sea. Kami ay naglakbay ng dahan-dahan dahil ayon sa kapitan mababaw ang dagat sa dakong yaon at totoo nga sapagkat ang tubig ay Crystal Clear nakikita namin mula sa lancha ang mga bagay bagay sa ilalim ng dagat. Napakaraming gawa ng Dios ang aming nakita sa islang iyon ng Tubbataha Reef.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 24 > 23 July 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 2)

Pagkatapos naming makita ang Tubbataha Reef, tumuloy (went ahead) na kami sa paglalakbay hanggang sa hindi ko na naman matanaw ang lupa kundi puro dagat lang ang natatanaw ko. To make the story longer, same-same, pare-pareho. at kami ay muling natulog nung kinagabihan. Lumipas ang mga same-same at pare-parehong pangyayari, natanaw na namin ang lupain ng Palawan. Hmmm, masasabi kong Amazing kasi siguro dahil excited na akong bumaba (go down) sa lupa dahil ilang araw na rin kaming lulutang-lutang sa dagat. Ang kapansin-pansin sa lupain ng Palawan ay ang maberdeng kulay nito (Green Color) kung sa bagay itong lupaing ito ang tinaguriang "the last frontier" kasi may lugar sa Palawan na talagang Virign ang mga Forest. Kapansin-pansin din na wala kang masyadong makikitang mga malalaking building o establisyemento (establishment) sa mismong siyudad ng Palawan na Puerto Princesa City (kung titingnan mo siya mula sa laot). At kami ay pumasok kami sa malaking Bay ng Puerto kasi ang pantalan ay nasa looban pa ng Bay. Dito ko unang nakita ang simbahan ng katoliko ng Puerto Princesa City (PPC) na may dalawang tulis. At kami ay dumaong sa pantalan / Pier. Dito sa dakong ito kami ay muling nagpasimula ng aming buhay bilang mag-pamilya. Kung noong una ay masasabi ko na kami ay NPA (No Permanent Address) ngayon ay masasabi kong kami ay PMA meaning nung PMA (Permanently Moving Address in tagalog > Palaging Palipat-lipat ang Address. Bakit ganyan ang address namin? Malalaman nyo po sa mga susunod na pangyayari kung loobin na tayo ay buhay pa). Dating cementado ang bahay namin ngayon ay kahoy na, Medyo malaki kaunti ang dati naming bahay ngayon ay maliit na, Marami kaming gamit sa dati naming bahay ngayon wala na kaming TV, wala na rin kaming Refrigirator, basta yung mga gamit namin na dating nagbibigay ng gaginhawaan sa buhay namin ay wala na. Meron lang kami ng nararapat naming gamitin sa aming pang-araw-araw na buhay. Doon ko unang-unang nadinig ang sigaw o tinig ng isang kakaiba at kagimbal-gimbal na hayop at ang hayop na iyon ay ang Tuko (big Lizard) nagulat ako noong una ko siyang marinig at ako ay natakot dahil hindi pa ako nakakarinig ng ganung tunog sa lahat ng buhay ko kundi doon lang sa bahay na iyon. As sabi ng Tuko: TU-KO!!!..TU-KO!!.....TU-KO!!.....TU-KOO!!.......TU-KHOOO!!.......KHOOOH... hinding hindi ko malilimutan iyan dahil iyan ang nagpatindig sa balahibo ko noong una ko siyang marinig.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 25 > 28 July 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 3)

Ang bahay namin ay maliit lamang, medyo luma na rin kaya(that is why) medyo kailangang ayusin at linisin. Kahit man kami ay wala nang masyadong pera ay kinailangan naming ituloy ang aming mga buhay sa kahirapan. Gayon pa man, ang tatay ko ay hindi pa rin naman sumusuko pati ang nanay ko, pinipilit pa rin nila na kami ay makapasok sa isang private school dahil na rin siguro nasanay na kami na sa Private school magaral kahit medyo mahal ang mga matrikula, tuition fee at iba pang gastosin sa isang private school gaya na lang ng school uniform, ID, magarang sapatos at kapag sinasabing school uniform, mayroong type A, type B and PE uniform na masasabi kong mandatory para sa lahat ng mga estudyante na kinakailangang bilihin o di kaya ay ipapatahi sa mananahi. Kung tutuusin baka(maybe) kasi magulat ako kung sa public school ako magaaral kasi nakasanayan ko na, na magaral sa private school. Ang maganda lang naman kasi sa private school, ang mga Classmates mo karamihan ay may mga kaya(middle class) sa buhay pero hindi lahat ang katunayan ang mga naging best friend ko simula nang lumipat kami sa Palawan ay may kakayahan sa buhay katulad na lang ni Bartolome at ni Almer. Ang mga kaibigan kong ito ay may kakayahan sa buhay dahil na rin sa naging profession ng kanilang mga tatay. Ang tatay ng bespren kong si Bart ay isang Capitan ng Barko sa Abroad at ang tatay naman ng bespren kong si Almer ay isang Pulis na may mataas na katungkulan sa Pulisiya. Ang very common sa aming mag-bebespren ay ang pagiging addict sa video games kaya madalas kaming magkasama. Maliban doon may mga kasama rin kami sa school na mga kaibigan pero hindi masyadong malapit na kaibigan. Ayaw ko sanang sabihin ito pero kasama sa nararanasan naming mga magbespren ang magkaroon ng mga crush sa mga kaklase namin (mga babae) nagkataon pa na nalaman ko na ang gusto pala ni Almer ay crush ko rin pero di ko sinabi sa kanila kasi baka nga naman eh masira ang circle of friendship namin kaya ako ay patingin tingin na lang. Pero may isang pangyayari na hindi ko inaasahan, kung bakit sa dinami dami ng mga kaklase namin na nagkaka-crush doon sa kaklaseng girl namin na iyon na si ______ ay natiyempo naman na ako ang pinili ng teacher namin na maging katabi niya sa upoan. Suwerte ko naman katabi ko pa ang crush ko :ymsmug: Bakit ba namin siya naging crush? mai-describe ko lang: Siya kasi ang nakikita kong pinakamaganda, pinaka-cute at pinakamatalinong kaklase namin noong mga panahong iyon at kaya(the reason why) pala sobrang talino niya dahil abogado pala ang mga parents niya. Napagisip-isip ko noong mga panahon na iyon na parang out-of-place ako sa school namin kasi halos lahat na ng mga kaklase ko ay hindi mahirap(poor) na kagaya ko.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 26 > 01 August 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 4)

Isang araw ay may ganitong pangyayari sa school na masasabi kong nagbigay sa akin ng lalong mapagusisang kaisipan. Ang Teacher namin ay nag-announce sa harapan naming lahat na "Nawawala ang wallet ko, may nakakita ba sa inyo?" noong nabanggit ito ng teacher ko ang natatandaan ko na ang unang pumasok sa isip ko ay may nagnakaw ng wallet ng Teacher ko dahil napaka-impossibeng mawala ang wallet sa purse ng Teacher ko maliban na lang kung may kumuha nito. Lumipas ang ilang araw, medyo parang nakakalimutan na namin ang tungkol sa wallet ng teacher namin hanggang sa isang pagkakataon ay nanglibre ang isang kaklase namin at kami ay binigyan ng pagkain during recess (break time sa school, hindi recession). Ito ay nagbigay ng lead (clue) sa akin upang magkaroon ng investigation kung related ba ang panglilibre niya sa amin at sa nawawalang wallet. Lumipas pa ang ilang mga araw at nakita namin ang kaklase namin na nagkaroon siya ng laruan(toy) na remote control Truck which is nagbigay na naman sa akin ng karagdagang lead para masasabi kong siya nga ang salarin. Dahil dun, sa hindi ko sinasadyang pangyayari ay nasabi ko sa mga kaklase ko na "bakit kaya yung kaklase natin na iyon ay nagkaroon ng laruan (toy) at bakit kaya noong isang araw ay nilibre niya tayo noong recess time natin?" ang mga salitang ito ang nagbigay ng idea sa mga kaklase ko na baka siya nga ang nagnakaw ng wallet ng Teacher namin. Dahil din doon sa sinabi ko na iyon ay parang nagkaroon ng mga usap-usapan na baka siya nga ang nagnakaw. Hindi nagtagal ay lumabas din ang katotohanan, Siya nga ang kumuha sa wallet ng teacher namin at ang alibi pa niya ay nakita niya daw sa isang butas ang wallet ng teacher namin pero inamin niya rin na siya nga talaga ang kumuha nun. Ang mga pangyayaring ito ay masasabi kong nagbigay sa akin ng palaisipan noon na may kakayahan pala akong magisip at magtugma-tugma ng mga pangyayari na tila magbibigay ng kaliwanagan sa mga tila malalabong pangyayari o di kaya ay nagpapalitaw sa talagang totoong pangyayari. Medyo nakaramdam ako ng something pride sa sarili dahil nagawa ko iyon at dahil na rin naka-solve ako ng isang mysteryosong bagay. Pero dumating din ang kalungkutan pagkatapos noon dahil nagkaroon ng napakasamang impresyon sa mga kaklase namin ang nagawa ng isang kaklase namin na iyon na nagkasala.

Susunod ang buhay mahirap sa gitna ng mayayaman .......

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 27 > 05 August 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 5)

Noong iniisip ko ang kalagayan ng sarili ko at ng aming pamilya noong mga panahon na iyon, masasabi kong mahirap kami pero hindi pa naman dumarating sa time na talagang walang - wala na kami gaya ng mga iba nating mga kababayan na talagang walang kahit ni isang ari-ariang tinatamasa kundi damit lang at mga tinagpi-tagping karton na bahay. Hindi pa naman kami naghihirap ng ganun kundi mahirap in the sense na kami ay wala na ng mga kayamanan na dati naming na-i-enjoy noong mga panahong nang una. Ang kaibahan ng dating pamumuhay namin ay talagang ibang iba. Dumating sa punto na kinailangan naming magtinda kasama ng mga ate ko ng fried na green peas sa school para makalikom kami perang pangastos. Iniisip ko lang sa sarili ko siguro noong mga time na iyon na nagtitinda kami ng ganun sa school siguro (lang naman) baka may mga nagiisip na mahirap talaga ang pamumuhay namin kasi nakuha naming magtinda sa school pero bata pa naman kasi ako noon kaya hindi ko na masyadong naiisip yun noon. Gayon pa man, marami naman ding bumibili ng tinda namin kasi karamihan naman kasi ng classmates ko eh may kaya (wealthy) sa buhay at masasabi ko na supportive din naman sila sa akin at nararamdaman ko na karamihan sa kanila ay hindi mata pobre kahit na sila ay mga may kaya sa buhay. Nakakausap ko sila, nakakalaro ko, nakakasama ko sa mga field trip na isinasagawa ng school, nakakahalubilo sa mga activities ng school, higit pa diyan ay masasabi kong ang mga kaklase kong ito ay mga tao rin na may puso na marunong tumalima sa kapwa nila tao kahit na ako ay mahirap lang kung ikokompara sa kanila. Hindi ko makakalimutan na ako man din ay nagbigay sa kanilang mga alaala na masasabi kong precious dahil sila ang mga naging kaklase ko. Sa maraming pagkakataon ay may mga kasiyahan akong nakikita sa kanilang mga mukha sa tuwing kami ay pumupunta sa beach, o kung kami man ay magsasama-sama sa bahay ng kaklase namin para magparty, o di kaya ay maglaro ng patentero sa school. Minsan pa ay sasabihin ko, Hindi ko makakalimutan ang mga kaklase kong ito na bagama't ako ay mahirap lang ay hindi nila tinuring na ako ay mababa kundi itinuring nila akong tao na kagaya nila. Minsan nga ay mas nararamdaman ko nga na parang baliktad ang mundo kasi kung sino pa iyong mahirap ay siya pa yaong mataas ang tingin sa kaniyang sarili kagaya ko which is unti-unti ko namang naiaalis sa sarili ko . Pero the fact still remains, na may mga mayayaman na talagang mata pobre pero doon sa mga kaklase ko ay masasabi kong 95% ay hindi mga nahawa sa mapagmataas na pagiisip.

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 28 > 08 August 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 6)

Maraming bagay ang nagbigay sa akin ng mga karagdagang kaalaman kung papaano ako dapat magpapatuloy sa buhay na ikinabubuhay ko noong mga panahon na iyon, sapagka't ako man ay nag-e-enjoy na din sa aking naging pamumuhay bilang mahirap. At bilang isang mahirap, doon ko natuklasan na may mga bagay din na hindi mo mabibili ng salapi gaya na lamang ng mga sumusunod na pangyayari:

1. Pangingisda sa dagat (kasama ang aking tatay)

Isang araw, ako ay sinabihan ng tatay ko na aalis kami at kami ay pupunta sa isang probinsya ng Palawan na tinatawag na Aborlan. Como't mahirap lang kami ay kinailangan naming bumiyahe sa Jeepney. Medyo OK naman ang biyahe namin, may daan na diretso at zigzag, may daan naman na paakyat at pababa, may malubak at pinong patag, may lugar na dinadaanan namin na may mga unggoy :(|) at squirel na tumatawid sa daan, meron namang lugar kaming nadadaanan sa tabi ng dagat na masasabi kong Amazing!!! Fantastic!!! ( Siguro, :x Romantic tingnan para sa mga couple kung makikita nila yung lugar). May lugar na puro puno (tree) ng niyog, may lugar naman na puro palay, meron ding dako na puro Puno ng Acacia at dahil malapad ang puno ng Acacia ay nalililiman nito ang kalye na dinadaanan namin, pakinamdam ko tuloy para kaming dumadaan sa loob ng gubat. Hindi ko masyadong napapansin pero unti-unti na pala akong nahihilo :dizzy: sa biyahe ang maganda lang doon ay nagsuka (vomit) ako pagkatapos na ng biyahe. Ang Aborlan ay isang probinsya sa Palawan na masasabi kong old-fashion pa ang pamumuhay ng tao. Nang kami ay dumating doon, kinailangan naming sumakay ng banka para baybayin ang ilog papunta sa bukana ng ilog sa dagat para kami ay makarating sa isang bariyo (village) na nasa tabing dagat doon. Doon ko nakita na may lugar pala na ang mga nakatira ay nasa tabing dagat at doon ko rin nakita na ang alagang nakatali sa isa sa mga bahay ay pawikan (Sea Turtle) [normally ang alagang nakatali sa mga bahay-bahay ay aso, pero dito iba ang mga alagang hayop]. At nagkahapon, lumubog na ang araw na siyang inaabangan ng mga tao doon sapagka't oras na ng pangingisda. Hindi ko sukat akalain na kaya pala ako isinama ng tatay ko doon ay dahil kami pala ay mangingisda. Lumulan ang bangka na amining sinasakyan at kami ay pumalaon na sa dagat. At naghanda na ang tatay ko pati ang mga kasama niya upang sila ay makapagsisid sa dagat. Ang gamit nila ay ang equipment para sa Hooka Diving, gumagamit sila ng air compressor para mag-supply ng hangin na pinapadaan sa hose papunta sa bibig nila upang magsupply ng hangin habang sila ay sumisisid sa dagat. Sila ay mag daladalang net-bag na nakatali sa kanilang mga baywang at improvised na pana para pangpana sa mga isda. Tumagal kami doon ng maraming oras at hinihintay namin ang tatay ko pati ng mga kasama niya na umahon; at sila nga ay umahon na may dala-dalang isda sa kanilang mga net-bag. At sila ay nagkatuwa dahil nga may mga nahuli sila at ang lalaki (large) ng mga isda na nahuli nila. Masaya na rin ako dahil naguwi kami sa bahay namin ng mga isda at tuwang tuwa ang mga Ate ko pati ng aking Nanay nang makita nila ang mga malalaking isdang hinuli ng tatay ko. Natutuhan ko without realizing na mahirap pala ang maghanap ng ikabubuhay in cash or in goods.

2. Biyaheing Norteng Palawan (kasama ko ang mga kapitbahay na mayari ng Jeepney) itutuloy sa susunod kung loloobin ng Dios ...

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 29 > 19 August 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 7)

2. Biyaheng North Palawan (Kasama ang mga kapitbahay na may Jeepney)

Ang isa pang bagay/nilalalang na masasabi ko na hindi kayang bilihin ng pera ay ang mga kapitbahay. Sila kasi yung malapit sa bahay mo kaya siguro tinawag na Kapitbahay although hindi naman talagang nakakapit yung bahay nila sa amin pero nasa 4 na metro lang ang pagitan ng bahay ng kapitbahay namin sa amin na nagmamayari ng Jeepney. Kung hindi ako nagkakamali may 3 Jeepney sila na bumibiyahe sa Northern Palawan. Sa isang panahon nang kami ay nagbakasyon o nagkaroon ng summer break sa skuwela ay hindi namin pinalagpas ang pagkakataong makasama sa mga biyahe ng aming kapitbahay. Kasama ko ang dalawa kong ate pati nanay ko, ang tatay ko lang ang hindi nakasama dahil sa trabaho niya. Pero bago kami nakapagbiyahe ay pumunta muna kami sa istasyon ng Jeepney na malapit sa palengke ng Puerto Princesa City upang kumuha ng mga pasahero na papunta sa pupuntahan namin. Unti-unting nagkaroon kami ng mga pasahero sa Jeepney hanggang sa ito ay mapuno. Dumating na ang oras at kami ay lumulan na ng aming paglalakbay, at ang aming paglalakbay ayon sa driver ay magtatagal ng 8 oras mula Puerto Princesa papuntang Port Barton sa North Palawan ( Excited na ako siyempre :ymsmug: ). Noong mga unang oras ng paglalakbay ay napaka-boring sapagkat ang nakikita ko sa paligid ay ang lungsod ng Puerto Princesa na maraming mga tao at mga bahay-bahay. Nang lumipas pa ang ilang mga oras, ay unti-unti nang nawawala ang mga tao at bahay-bahay sa kapaligiran sapakgat kami ay lumalayo na sa City proper. Ang unang-una kong napansin sa biyaheng norte ng Palawan ay ang mga Puno ng manga. Isang napakalapad na lupa (lot) ang nakita ko na pinagtataniman ng mga puno ng manga, kung hindi ako nagkakamali halos kalahating kilometro ang haba niya sa tabi ng kalsada, hindi pa kasama diyan yung looban ng mga mangahan. Lumipas pa ang ilang oras, dumaan kami sa lugar na kung saan doon mo makikita ang tinatawag nilang "Honda Bay" na kung saan nandoon sa area na iyon ang "Dos Palmas" na kung saan pumanaw ang artistang si Mr. Rico Yan. Pagkatapos nun ay napadaan naman kami sa lugar kung saan may Bukal (Hot Spring) medyo maliit lang ang lugar na iyon pero popular kasi nagiisa lang kasi yung bukalan ng mainit na tubig na iyon sa dakong yaon. Lumipas pa ang maraming oras at kami ay lumabas na sa sasakyan habang ito ay tumatakbo, at umakyat kami sa tinatawag nilang "top load" ng Jeepney, yun po ay ang ibabaw ng Jeepney na kung saan nakalagay ang mga malalaking cargo/bagahe ng mga pasahero, kami ay umakyat doon at doon kami sa ibabaw umupo, doon kitang-kita namin ang buong tanawin ng Palawan habang bumibiyahe.

Itutuloy, God willing . . . . .

Sa 2nd Blog ng KUWENTONG MAHABANG MAHABA



Comments

Author:  reys_dxb_uae [ 15 Apr 2009 00:57 ]

eh yun name moh.. bkit ka pala tinawag na Empoy?

Author:  mpcastillo_untv_uae [ 23 Apr 2009 12:27 ]

Medyo matagal-tagal pang kabanata yung pangalan ko tol eh sobrang haba kasi ng kuwento na iyan, di ko nga alam kung matatapos ko yang Kuwentong Mahabang Mahaba na iyan.

Author:  elie_addpro_uae [ 14 Jun 2009 13:36 ]

Nasaan na ang part 15? :( wag ka munang manuod ng telenovela....ituloy mo muna ang part 15! :D

All times are UTC + 4 hours

Powered by phpBB © 2002, 2006 phpBB Group
www.phpbb.com

Blogs powered by User Blog Mod © EXreaction
www.lithiumstudios.org