Minsang Sinabi ng Pantas --


mpcastillo_untv_uae
 
Posts: 3
Joined: 16 Dec 2008 17:09
Blog: View Blog (2)
Archives
- August 2009
KUWENTONG MAHABANG MAHABA: Part 2
   27 Aug 2009 09:37

+ March 2009
Search Blogs

KUWENTONG MAHABANG MAHABA: Part 2

Permanent Linkby mpcastillo_untv_uae on 27 Aug 2009 09:37

Hindi na po kasya sa unang part kaya kinailangang mag-add ako ng pangalawang blog ng KUWENTONG MAHABANG MAHABA na ito. Hanggang 7000 Characters lang pala ang allowed kada blog. Sobrang haba naman kasi ng KUWENTONG MAHABANG MAHABA na ito.

Ang pagpapatuloy ng nakaraan....

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 30 > 27 August 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 8)

Bibigyan ko lang po kayo ng kaunting mapagiisipan tungkol sa jeepney bago tayo tumuloy sa kuwento.

Ang mga katawagan (Terminologies) patungkol sa Jeepney na nalaman ko sa kapitbahay namin na nagmamayari ng Jeepney:

"Top Load" Pronounced as 'TAP LOOD' - Ito ay nasa bubong ng Jeepney. Ang kaibahan ng may "Top Load" sa walang top load na Jeepney ay ang mga karagdagang tubong bakal na naka-welding sa bubong upang ang mga bakal na ito ay magsilbing patungan ng mga kargamento at upang ma-protect-tahan ang bubong ng Jeepney sa bigat ng mga kargamentong ipinapatong dito. Sa "Top Load" ay puwede ring umupo ang mga pasahero kung puno na sa loob ng Jeepney at ito ang pinakagusto ko sa "Top Load" kasi kitang-kita mo ang tanawin ng lugar na dinadaanan.

"Sabit" Pronounced as 'SABIT' - Ito ay ang kinagawian ng mga sumasakay ng Jeepney kung punong-puno sa loob ng Jeepney. Madalas sumasabit ang mga pasahero sa likuran ng Jeepney. Ako din minsan nakikisabit dahil trip ko lang :D. Idinisenyo kasi ang jeepney na may matatapakan para makasabit ang mga pasahero. Siguro, may nakakasabit na mga siyam na tao sa likod ng Jeepney. May mga sumasabit din sa gilid ng Jeepney, sa Left Side and Right Side ay may matatapakan din kasi.

"Front Seat" Pronounced as 'PRANT SEET' - Ito ay ang upuan sa may Driver seat na kung saan puwedeng umupo ang apat na tao kasama ang Driver. Ganito ang puwesto ng mga nasa front seat < | Pasahero | Pasahero | Driver | Pasahero | > kung napansin nyo ang driver ay pinagitnaan ng dalawang pasahero. Minsan kasi sumakay din ako katabi ng Driver at ako ang pinapahawak niya ng manubela para controling ang pagliko ng Jeepney. May ibang Jeepney na may pangalawang Row o di kaya ay may 3 (tatlong) Row na front seats, minsan din ay may jeepney na puro front seats.

"Front Load" Pronounced as 'PRANT LOOD' - ito naman ang bahagi na nasa pinakaharap ng Jeepney, puwedeng umupo ang tatlong tao dito sa "Front Load". Hindi ko pa nasubukang sumakay dito pero siguro ang pakiramdam ng sumasakay dito ay parang sumasakay sa wheel chair (di ko lang sure).

"Salamin" (wind shield) pronounced as is - ang isa pang kakaiba sa jeepney ay ang pagiging flexible ng wind shield. kapag kami ay bumibiyahe, madalas na naka bukas ang salamin sa harap para makapasok ang hangin sa loob ng sasakyan. Kapag naman umuulan ay sinasarahan ito para hindi mabasa ang mga nasa front seat.

Yan ang ilan sa mga bagay na dapat nating maintindihan sa mga Jeepney sa Palawan.


KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 31 > 22 September 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 9)

... karugtong ng mga bagay na hindi mababarayan ng pera ...

Sa kalahati ng Biyaheng Northern Palawan ay nakikita ko, na ang kalikasan ay hindi pa masyadong naaabuso. Marami pa ring(hindi singsing) mga puno(tree) sa bundok, malamig at sariwa ang hangin, matataas ang mga damo, matingkad at malinaw ang dagat, may mga hayop pa akong nakikita gaya ng mga ibon na sumasabay sa aming pagtakbo (kita ko kasi sa TAP LOOD ako nakaupo). May daan na Zigzag, may daan naman na pababa, may daan din na pababang zigzag, ang medyo delikadong daan ay ang paakyat kasi minsan hindi nakakayanan ng makina ng sasakyan ang load dahil medyo matarik ang daan paakyat sa bundok. kaya ang ginagawa ng mga tauhan ng Driver ay kinakalsohan ang sasakyan para hindi tuluyang umatras ang takbo namin. Dito medyo may action B-), kasi every time na humihinto ang sasakyan ay kinailangang bumaba ang mga maglalagay ng kalso, dumating ang isang pagkakataon na nakasabit ako sa likod at madali lang sa akin ang kunin ko ang kalso ng sasakyan kaya sinubukan kong gawin yung pagkakalso pero natapilok ako at sumakit ang aking ankle(part ng paa) dahil medyo nabigla ang pagtalon ko mula sa jeepney kaya hindi ko rin nagawa :D.

At minsan ay umulan at kami ay nasa TAP LOOD ng sasakyan akala ko ay mababasa na kami, hindi pala kasi may Tarpaulin pala na tatakip sa amin, kailangan nga lamang naming palaparin para matakpan pati ang mga kargamento ng Jeepney. Tumagal pa nang tumagal ang biyahe ay inabot na kami ng gabi at medyo umaambon pa, kinailangan ng Driver na ilagay ang kasama niya na umupo sa pinakaharap ng sasakyan para magbigay ng warning sa kaniya (sa Driver) baka(mabye) kasi may mga malalaking kahoy o di kaya ay mga bato na maaaring tumama sa Jeepney. Gabi(night) na kasi hindi masyadong nakikita ng driver ang dinadaanan at medyo umaambon pa. Hindi ko rin masyadong napanisin ang paligid dahil madilim.

Maya-maya lamang ay natatanaw ko na ang mga ilaw na mula sa barryo at di nagtagal ay nakarating na kami sa lugar na tinatawag na Port Barton Beach. Napakaganda ng beach na ito kung may araw, madilim pa kasi kaya hindi ko pa sure noon kung maganda nga ang beach na iyon pero Napakaganda talaga kasi noong kinaumagahan pag-gising ko ay nakita ko ang beach. Napakaganda. Medyo kaunti lang ang mga taong nakikita kong naliligo sa beach na ito siguro dahil hindi pa masyadong kilala ang lugar na ito. To make the story long and much longer, ako ay naglakad-lakad sa tabi ng beach, at ako ay tumitingin sa malayo parang malayo ang tingin, tapos ako ay muling naglakad-lakad sa tabi ng beach, tapos tingin uli sa malayo. Same same (pare-pareho).

Sa susunod kung loloobin, ang pagpapatuloy ng "sa tabi ng beach"

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 32 > 07 October 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 9)

... karugtong ng mga bagay na hindi mababarayan ng pera ... "sa tabi ng beach"

Ako ay naglakad-lakad sa tabi ng beach, at ako ay tumitingin sa malayo parang malayo ang tingin, tapos ako ay muling naglakad-lakad sa tabi ng beach, tapos tingin uli sa malayo. Same same (pare-pareho). Hindi ko namamalayan ang oras eh dumidilim na pala at gabi na. At nang gabing yaon ay madilim kaya mas makakabuti kung nasa loob ka lang ng bahay pero ng mga gabi yaon ay madalas akong pumunta sa Disco-han at Maliit na Cine-han. Magtataka siguro kayo kung bakit ko nasabi na madalas ako sa Disco-han at Cine-han, kasi yung Disco-han at Cine-han na iyon ay pagmamayari ng kamaganak ng mayari ng Jeepney na sinasakyan namin kaya madalas ako sa Disco-han at sa Cine-han. At yaong Disco-han na iyon at Cine-han ay iisa lang na dako. May oras na ang lugar na iyon ay Cine-han at dumarating naman ang oras na kung saan yung dakong yaon ay nagiging Disco-han at yan ay nagaganap pagsapit ng dilim o ng gabi.

Ang pinagtatakahan ko lang ng mga panahon na iyon ay ang mga tao na pumapasok sa Disco-han at Cine-han na iyon kasi walang Air Condition, napakainit at medyo mausok pero ang mga tao ay nagtitiis na mamalagi sa loob ng Disco-han at Cine-han na iyon. Kaya(therefore) madalas akong lumabas upang magpahangin kasi nga ay mainit sa loob ng Dicso-han at Cine-han na iyon. At saka I am innocent and inexperience about those things, you know O:-) I do not even know that those kind of things existed in this world. With my pure and modest mind at that time, I have learned a little bit of impurity and immodesty :ymdevil:

At nagka-hating bagi at nag-magdamag ay ako ay nagpahinga at ako ay nakatulog. Pagising ko nang kinaumagahan, ay naglakad-lakad ako sa tabi ng beach, at ako ay tumitingin sa malayo parang malayo ang tingin, tapos ako ay muling naglakad-lakad sa tabi ng beach, tapos tingin uli sa malayo. Tapos nagyaya ang ate ko at nanay ko na maligo sa beach kaya kami ay naligo sa beach meaning nagtatampisaw, nagbababad at lumalangoy sa ibabaw ng dagat, At karagdagan (In addition,) nagpapalubog, sumisisid, nagpipigil ng hininga sa ilalim ng dagat. Ito yaong uri ng pagliligo na hindi ginagamitan ng sabon at ng panghilod pero literally naliligo ka nga.

Maputol ko lang ang kuwento upang mapalawak (elaborate) natin ang kaunawaan ayon sa aking nalalaman patungkol sa pagligo:

Uri ng pagligo ayon sa aking nalalaman at nararanasan ng mga panahon na iyon:

1. Pagligo sa Banyo: Uri ng pagligo para mapanatili ang Personal Hygiene para hindi mangamoy at mamaho.
Kung mayaman ka ay may iba't iba kang uri ng kasangkapan sa pagligo, nandiyan ang shower, bathtub, Jacuzzi.
Kung mahirap ka naman ay may iba't ibang uri rin ng kasangkapan para sa iyo gaya ng posso, balon, gripo, tabo, batong panghilod

2. Pagligo sa Beach, Ilog, Swimming Pool: Uri ng pagligo na walang kinalaman sa pananatili ng Personal Hygiene. maaari ding makatulong upang makalinis ng katawan pero ito ang uri ng paligo na nilalakipan ng katuwaan, kasiyahan, mga pagkukulitan, paghahabulan, pagbabasaan (taponan o wisikan ng tubig) na na-e-enjoy ng karamihang mga tao at pati ng mga hayop.

3. Pagligong wirdo: May mga nakikita ako at naririnig na uri ng pagligo na kakaiba at napakawirdo (weird). ang dahilan ay hindi ko alam pero ginagawa naman ng tao. Hindi ko alam ang dahilan pero alam siguro ng mga taong naliligo ng paraang yaon. eto yaong mga paraan na yaon na sumusunod:
A. Pagligo sa Gatas.
B. Pagligo sa Putik
C. Pagligo sa Kamatis
D. Pagligo sa Red Wine
At marami pang iba.
Last edited by mpcastillo_untv_uae on 07 Oct 2009 12:49, edited 4 times in total.

0 Comments Viewed 2829 times

Who is online

Registered users: Google [Bot]

cron