Lokal ng Muscat, Oman
Ito ang Lokal ng Muscat, Oman,
Masaya po dito, maliit man.
Oh, sa tungkuli’y nagtutulungan,
Bahagi din kami ng katawan.
Ang lokal na ito ay bata pa,
Tumitingala sa mga kuya.
Tutularan mga halimbawa,
Upang ang kabanala’y magawa.
Galing ay aming sinasanay po,
Upang mapakinabangan ito.
Magbanal kahit nasa disyerto,
Nang kahusayan nga ay matamo.
Bumisita po kayo sa amin,
Pag-ibig na tunay inyong dalhin.
Kagalaka’y pagsaluhan natin.
Purihin ang Dios na mahabagin!
November 2008