Minsang Sinabi ng Pantas --


Blog Stats
-93Total Entries
4Total Comments
Search Blogs

Random Blog Entry
KUWENTONG MAHABANG MAHABA: Part 2 by mpcastillo_untv_uae on 27 Aug 2009 09:37
Hindi na po kasya sa unang part kaya kinailangang mag-add ako ng pangalawang blog ng KUWENTONG MAHABANG MAHABA na ito. Hanggang 7000 Characters lang pala ang allowed kada blog. Sobrang haba naman kasi ng KUWENTONG MAHABANG MAHABA na ito.

Ang pagpapatuloy ng nakaraan....

KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 30 > 27 August 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 8)

Bibigyan ko lang po kayo ng kaunting mapagiisipan tungkol sa jeepney bago tayo tumuloy sa kuwento.

Ang mga katawagan (Terminologies) patungkol sa Jeepney na nalaman ko sa kapitbahay namin na nagmamayari ng Jeepney:

"Top Load" Pronounced as 'TAP LOOD' - Ito ay nasa bubong ng Jeepney. Ang kaibahan ng may "Top Load" sa walang top load na Jeepney ay ang mga karagdagang tubong bakal na naka-welding sa bubong upang ang mga bakal na ito ay magsilbing patungan ng mga kargamento at upang ma-protect-tahan ang bubong ng Jeepney sa bigat ng mga kargamentong ipinapatong dito. Sa "Top Load" ay puwede ring umupo ang mga pasahero kung puno na sa loob ng Jeepney at ito ang pinakagusto ko sa "Top Load" kasi kitang-kita mo ang tanawin ng lugar na dinadaanan.

"Sabit" Pronounced as 'SABIT' - Ito ay ang kinagawian ng mga sumasakay ng Jeepney kung punong-puno sa loob ng Jeepney. Madalas sumasabit ang mga pasahero sa likuran ng Jeepney. Ako din minsan nakikisabit dahil trip ko lang :D. Idinisenyo kasi ang jeepney na may matatapakan para makasabit ang mga pasahero. Siguro, may nakakasabit na mga siyam na tao sa likod ng Jeepney. May mga sumasabit din sa gilid ng Jeepney, sa Left Side and Right Side ay may matatapakan din kasi.

"Front Seat" Pronounced as 'PRANT SEET' - Ito ay ang upuan sa may Driver seat na kung saan puwedeng umupo ang apat na tao kasama ang Driver. Ganito ang puwesto ng mga nasa front seat < | Pasahero | Pasahero | Driver | Pasahero | > kung napansin nyo ang driver ay pinagitnaan ng dalawang pasahero. Minsan kasi sumakay din ako katabi ng Driver at ako ang pinapahawak niya ng manubela para controling ang pagliko ng Jeepney. May ibang Jeepney na may pangalawang Row o di kaya ay may 3 (tatlong) Row na front seats, minsan din ay may jeepney na puro front seats.

"Front Load" Pronounced as 'PRANT LOOD' - ito naman ang bahagi na nasa pinakaharap ng Jeepney, puwedeng umupo ang tatlong tao dito sa "Front Load". Hindi ko pa nasubukang sumakay dito pero siguro ang pakiramdam ng sumasakay dito ay parang sumasakay sa wheel chair (di ko lang sure).

"Salamin" (wind shield) pronounced as is - ang isa pang kakaiba sa jeepney ay ang pagiging flexible ng wind shield. kapag kami ay bumibiyahe, madalas na naka bukas ang salamin sa harap para makapasok ang hangin sa loob ng sasakyan. Kapag naman umuulan ay sinasarahan ito para hindi mabasa ang mga nasa front seat.

Yan ang ilan sa mga bagay na dapat nating maintindihan sa mga Jeepney sa Palawan.


KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 31 > 22 September 2009 (Buhay, Hindi na Bulilit ngunit di pa binata 9)

... karugtong ng mga bagay na hindi mababarayan ng pera ...

Sa kalahati ng Biyaheng Northern Palawan ay nakikita ko, na ang kalikasan ay hindi pa masyadong naaabuso. Marami pa ring(hindi singsing) mga puno(tree) sa bundok, malamig at sariwa ang hangin, matataas ang mga damo, matingkad at malinaw ang dagat, may mga hayop pa akong nakikita gaya ng mga ibon na sumasabay sa aming pagtakbo (kita ko kasi sa TAP LOOD ako nakaupo). May daan na Zigzag, may daan naman na pababa, may daan din na pababang zigzag, ang medyo delikadong daan ay ang paakyat kasi minsan hindi nakakayanan ng makina ng sasakyan ang load dahil medyo matarik ang daan paakyat sa bundok. kaya ang ginagawa ng mga tauhan ng Driver ay kinakalsohan ang sasakyan para hindi tuluyang umatras ang takbo namin. Dito medyo may action B-), kasi every time na humihinto ang sasakyan ay kinailangang bumaba ang mga maglalagay ng kalso, dumating ang isang pagkakataon na nakasabit ako sa likod at madali lang sa akin ang kunin ko ang kalso ng sasakyan kaya sinubukan kong gawin yung pagkakalso pero natapilok ako at sumakit ang aking ankle(part ng paa) dahil medyo nabigla ang pagtalon ko mula sa jeepney kaya hindi ko rin nagawa :D.

At minsan ay umulan at kami ay nasa TAP LOOD ng sasakyan akala ko ay mababasa na kami, hindi pala kasi may Tarpaulin pala na tatakip sa amin, kailangan nga lamang naming palaparin para matakpan pati ang mga kargamento ng Jeepney. Tumagal pa nang tumagal ang biyahe ay inabot na kami ng gabi at medyo umaambon pa, kinailangan ng Driver na ilagay ang kasama niya na umupo sa pinakaharap ng sasakyan para magbigay ng warning sa kaniya (sa Driver) baka(mabye) kasi may mga malalaking kahoy o di kaya ay mga bato...

[ Continued ]

0 Comments Viewed 2830 times
Feed Recent Blog Entries
KUWENTONG MAHABANG MAHABA: Part 2 by mpcastillo_untv_uae on 27 Aug 2009 09:37
Hindi na po kasya sa unang part kaya kinailangang mag-add ako ng pangalawang blog ng KUWENTONG MAHABANG MAHABA na ito. Hanggang 7000 Characters lang pala...

[ Continued ]

0 Comments Viewed 2831 times
UNTV Saudi Arabia donates flight ticket for distressed OFW by judeabarquez on 16 May 2009 16:55
Pop Icon finalists visited Bahay Kalinga, a shelter for distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) women, as part of their community service.

As part...

[ Continued ]

0 Comments Viewed 58321 times
Hindi Madaling Maging Christiano... by christophernemis on 11 May 2009 19:53
Sa Mundong ito, di madaling Kristiano, Alam ko na alam din ninyo ang sinasabi ko, Kaya sana Magpakatibay lang tayo sa awa at tulong ng Diyos maging ano...

[ Continued ]

0 Comments Viewed 58981 times
KUWENTONG MAHABANG MAHABA: Part 1 by mpcastillo_untv_uae on 08 Mar 2009 13:03
KUWENTONG MAHABANG MAHABA PART 1 > 08 MAR 2009

INTRODUCTION: Magandang umaga po dun sa mga lugar na ang oras ay mula alas seis (6 o'clock AM) hanggang...

[ Continued ]

3 Comments Viewed 14502 times
battlecries--- pampalakas ng loob from kuya and bro eli by evita1304 on 13 Feb 2009 15:53
pag my di nagpapasalamat
di dalisay ang puso nun
pero may nagpapasalamat
di rin dalisay ang puso
pero di pede na ang isang taong dalisay ang puso
ay hindi...

[ Continued ]

0 Comments Viewed 45545 times
Feed Recent Comments
RE: KUWENTONG MAHABANG MAHABA by elie_addpro_uae on 14 Jun 2009 13:36
Nasaan na ang part 15? :( wag ka munang manuod ng telenovela....ituloy mo...

[ Continued ]

Re: KUWENTONG MAHABANG MAHABA by mpcastillo_untv_uae on 23 Apr 2009 12:27
Medyo matagal-tagal pang kabanata yung pangalan ko tol eh sobrang haba kasi ng kuwento na iyan, di ko nga alam kung matatapos ko yang Kuwentong Mahabang...

[ Continued ]

Re: KUWENTONG MAHABANG MAHABA by reys_dxb_uae on 15 Apr 2009 00:57
eh yun name moh.. bkit ka pala tinawag na Empoy?

Re: success of transplant operation by anton_addcit_uae on 17 Feb 2009 01:31
To God be the Glory!!! :)

Who is online

Registered users: Google [Bot]

cron