Minsang Sinabi ng Pantas --


chronicles fleet
Kapatid.. may kaloob ka ba? Meron, para wag kang mapagwikaan, wag kang mahatulan, dapat pahalagahan mo yung kaloob na nasa iyo… bakit? Sinabi ni Pablo kay Timoteo..basahin natin.. 4:14, ano utos?.. ng Unang Timoteo

“Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo…” bakit? Sapagkat di tayo nagkulang ng kaloob, hindi tayo kulang ng kaloob.. may kaloob sa atin.. yung kaloob sayo… wag mong pabayaan… “…upang wag tayong mapagwikaan sa pagparito ngating Panginoong Jesucristo.”

Kaya.. ano ang basis at ikaw ay mahahatulan, nasa loob ka ng Iglesia, at ikaw ay mapapagwikaan sa panahon ng pagparito ng Panginoong Jesucristo..? kungpinabayaan mo yung kaloob na nasa iyo.. kasi ang kaloob na ibinibigay sa atin.. sakdal na kaloob yan e.. (Santiago 1:17) “bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas…” kaya yung ibinibigay ng Dios sa atin na kaloob, that is the best para sayo. Bakit? Alam ng Dios ang iyong limitasyon e.. kaya pag ibinigay ng Dios sa yo yung kaloob.. alam Niya kaya mo yan.. di ka naman Niya bibigyan ng di mo kaya e.. kaya may kaloob ka? Yang kaloob na yan kapatid.. i-cherish mo.. bakit? Sapagkat yan ay sakdal na kaloob na galing sa itaas at pag pinabayaan mo yang kaloob na yan… mapapagwikaan ka.. sa pagbalik ng Panginoong Jesucristo…. Mahahatulan ka…dahil para mapagtibay tayo at wag tayong mapagwikaan sa panahon ng ating Panginoong Jesucristo… hindi natin dapat pabayaan ang kaloob na nasa atin…

“this is my quest.. to follow that star.. no matter how hopeless..no matter how far… to fight for the right…without question or pause.. to be willing to die.. so that honor and justice may lead.. and I know.. if I’ll only be true…to this glorious quest..that my heart…will lye peaceful and calm…when I’m laid to my rest.. and the world.. will be better for this.. that one man… scorned and covered with scars.. still strong.. with his last ounce of courage…to reach…the unreachable star…..”

No matter how hopeless..sa tingin ng iba… no matter how far sa tingin ng iba…kahit gaano kabigat sa tingin ng iba… “….kung ang Dios ang ating katulong.. walang magagawa ang tao..”

Laya tayo sa kasalanan… pinalaya tayo ng Anak..ang ganda ganda.. may tumubos sa kasalanan natin..ang sarap ng pakiramdam.. may pampalubag tayo ang ating Panginoong Jesucristo.. ano pa hahanapin natin..? wala na e.. wala na.. maliban mga kapatid.. na pagtapatan natin yung kaloob na ibinigay sa atin.. idalangin natin sa Dios.. sana po tulungan Mo kami.. na wag naming mabitawan itong tungkulin na ito… sana..dito kami mamatay.. sana..makapanatili kami.. dito sa kaloob na ibinigay Mo sa amin… hanggang sa huling sandali ng aming mga buhay… idalangin natin sa Dios yun.. kasi ano pa ba naman ang hihingin natin mga kapatid..? alam niyo kanina sinasabi ni kapatid na Eli ito..sa puso ko nag uumapaw yung tuwa.. sabi ko..napakasuwerte natin… ang sanlibutan susulitin sa kanilang kasalanan… alam natin ang dami nating sablay.. dami nating mali.. most of the time.. kulang tayo.. most of the time..no matter how hard we try.. my sabit tayo.. parang pagluhod mo.. “Panginoon, di ko naman po gusto talaga kaya lang.. minsan ayaw ko man gawin..sumasabit ako e.. parang nagkukulang ako.. nagkakamali ako..” you feel so sorry about that…little we realize.. mas dapat pala nating pagpahalagahan…. Teka muna… gaano mo ba pinagsisikapan maituloy yung kaloob na nasa iyo..? gaano mo ba pinagsisikapan makapanatili ka sa tawag na itinawag sayo…? … makapanatili ka sa tungkuling ibinigay sa iyo ng Dios….? Gaano mo kasikap ginagawa…? Yun yung pananagutan natin e… iwan mo na un..yung nagkulang ka.. once upon a time may nagawa kang pagkukulang.. pagkakasala sa Dios… there are times nagkakamali pa rin tayo.. alam ng Dios yun.. di mo naman intension…di mo naman sinasadya.. di mo naman gusto.. papasok si Kristo.. “..Ama.. ako na bahala dito… wala naman akong kasalanan pero naghirap ako sa krus..tinubos ko ang kasalanan ng mga ito.. akin napo ito..sagot ko napo ito..” diba ang sarap sarap nun? Ano nalang problema natin..? problema nalang natin.. tatanungin tayo ng Dios… “kumusta ka naman? Gaano mo naman pinahalagahan na ginawa kitang manggagawa..?bakit naman iniwan mo..? ginawa kitang opisyal dyan… dahil alam Ko kaya mo naman..” hindi ka naman bibigyan ng Dios ng di mo kaya e.. bibigyan ba tayo ng Dios ng di natin kaya mga kapatid..? kayo magsabi..bilang magulang… anak mo ba uutusan mo ng di niya kayang gawin..? ng alam mong di niya maisasagawa..? hindi e.. kaya pag binigay sayo ng Dios..alam Niya kaya mo yan… wag ka lang mag a aspire nung higit sa ibinigay sayo ng Dios.. pag binigay sayo ng Dios.. ung sinasabi nga nikapatid na Eli kanina…. Sabi ko sa sarili ko… minsan estupido rin ako.. parang I always blame myself for so many things… nagkulang po ako rito… nagkulang ako dun… nagkamali ako… nakagawa ako ng kasalanan… bakit ka maglulupasay sa bagay na un..? iwan mo yun… tumalikod ka dun sa mali… iwan mo yung pagkakasala mo.. at ang pagbutihan mo..itong kaloob na ibinigay ng Dios… gawin mo with all your heart.. gawin mo with the best that you can.. bahala kang tulungan ng Dios dahil Siya nagbigay sayo nyan dahil alam ng Dios kaya mo yan.. pagdating ng araw… “..Panginoon.. I did my best…ginawa ko lahat.. ikaw po nakakaalam…” sasabihin ng Dios… “..yun bang kaloob na nasa iyo..di mo ba pinabayaan..?”… yan.. dun ka ngayon magsasabi… e dapat kumakanta ka… di ka kumakanta… dapat nangangaral ka… di ka nangangaral… dapat gumagawa ka ng pagkakawanggawa, tumutulong ka sa kapwa tao mo… dahil mas malakas ka sa kanya... mas meron kang kakayanan dun sa kapatid mo..dapat tulungan mo yung kapatid mo…tinulungan mo ba? Nilagay kita para manghula,mangaral,magpatibay… ginagawa mo ba..? dun tayo hahatulan mga kapatid… dun tayo susulitin ng Dios… pero hindi sa ating mga kasalanan… un sanlibutan sa kasalanan… Tayo sa kaloob na ibinigay sa atin ng Dios…

Kuya Daniel.
evita1304
 
Posts: 0
Joined: 09 Dec 2008 01:47
Blog: View Blog (1)
Archives
- February 2009
Search Blogs

battlecries--- pampalakas ng loob from kuya and bro eli

Permanent Linkby evita1304 on 13 Feb 2009 15:53

pag my di nagpapasalamat
di dalisay ang puso nun
pero may nagpapasalamat
di rin dalisay ang puso
pero di pede na ang isang taong dalisay ang puso
ay hindi magpasalamat.-kuya.

in any situation.. you can always choose your responds.-kuya.

alisin natin ung masasamang isipin....matuto tayong magmalasakit. ipagmalasakit natin ang mga kasama natin sa grupo.. sa tingin ninyo.. hahayaan ba nating may isa na lang basta mahahatak ng kalaban? may isa na lang matitisod? kayo mismo ang
makakapagsagip sa inyong mga kasama... wag nating sayangin ang mga nasumpungan nating mabuti..-kuya.

ang pinakasafe na lugar? yung pinakamababa.-bro eli

ang may mabuting mata, nakikita ang mabuti. dapat ang ating mata ay maging gaya ng bulag na pinadilat ni Kristo, ang hinahanap ay buti lamang.. -snp.

nasa laban ka! wag mo ipakita na mahina ka, pag nasugatan ka ni satanas dapat mas lalo kang tumapang, ipakita mo matatag ka, wag kang luluha sa harap niya, kundi ipatak mo ang luha mo sa pagtangis at panalangin sa Dios.-bro eli.

binigyan tayo ng Dios ng limitasyon para sa ikabubuti natin, gaya din naman na may mga bagay na tila kabiguan tayong nararanasan. we must not take them negatively, its part of God's loving kindness where in we must be thankful!-snp.

let us learn to keep silent in every aspects of our deeds. let it be done unnoticed and unpraised by any man.-bro eli.

alalayan ng malakas ang mahina, the only way na mapakinabangan mo ang lakas mo at mapatunayan mong malakas ka.-kuya.

you are not here to live up the expectation of other people, as long as you know what is right and do what is right.-snp.

the first man to raise his fist is the one who runs out of ideas.

sometimes we worry so much, we are burdened with so many things, little we realize.. hindi naman tayo pababayaan ng Dios.. 'sa anomang paraan di kita pababayaan..sa anomang paraan di kita pagkukulangin'.-kuya.

"why did you let me exist Father? because I want you to exist"-bro eli quotes

when God is involved..anything can happen. be open, God has a beautiful way of bringing good vibrations...out of broken chords.-snp.

hindi pwedeng ang dalawang magkaibang bagay ay parehong tama, pedeng parehong mali.-kuya.

be true. yun ang pinakamahalaga sa Dios.-bro eli.

commitment is always accompanied by action.-kuya.

tinanggap mo lang, hindi yan iyo.-snp.

anong sikreto para tumibay ka sa loob ng Iglesia? ariin mong wala kang kabuluhan sa mga kapatid, wag mong isiping mahalaga ka, para kung ano man ang sabihin sayo, di ka magdaramdam o matitisod.-snp.

ang batayan ng katotohanan, hindi yung konsensya natin, kundi yung absolute truth, yung sinasabi ng Dios.-bro eli.

ang manggagawa ay pag aari ng Iglesia, kaya dapat ang mapangyari ay yung gusto ng Iglesia, kaya kung san ka idistino, dun ka paroroon.-snp.

kung gusto natin matuto ng discernment na nasa katwiran, dapat ang batayan natin yung kasulatan na kinasihan ng Dios.-kuya.

halimbawa, itinaas mo ang iyong kamay ng matagal, ang tendency nun ay mangalay, doon ngaun papasok ang weakness at ang resulta nun ay ibaba mo. sa paglilingkod, pag nangalay ka at nanghina ka, dun papasok ang kalaban. kaya dapat commited tayo, commitment is the enemy of resistance... kalaban yun ng antok mo, ng pagod mo, ng excuse mo.-kuya.

mahalaga ang buhay na bigay ng Dios... "mahalaga" kahit gaano kaliit, kahit gaano kahamak, kahit gaano kahirap... habang binubuhay ka ng Dios. Gamitin natin ang ating buhay sa pinakamahalagang bagay na natutunan natin sa Biblia.-bro eli.

minsan ang flight my stopover,pero di pa yun ang katapuisan ng biyahe. kung kylangan ng refueling do it, change of plane do it, but never change your flight plan. may mga bagay na nababago sa buhay natin as times goes by... pero di dapat mabago sa atin ay ang ating direction.-kuya.

sapat na ang salitang "kapatid sa Dios" para tayo ay magkaunawaan at magpatawaran sa ating mga nagagawang pagkukulang sa isa't isa.-snp.

wag nating titingnan yung mga bagay na dapat nating tiisin, yung mga daang dadaanan natin... kasi pag nakita mong mahirap ang daraanan mo, mapapagod ka, masisiraan ka ng loob, titigil ka. ang isipin natin, kaya nating lampasan yun!-kuya.

dapat pahalagahan natin ung isang bagay na nasa atin, bigyan natin ng importansya ung isang bagay na di mo kayang tumbasan ng salapi o ng anoman...-snp.

sa inyong lahat, umaasa kami na sa mga darating pang panahon hindi kayo mababawasan ng mababawasan at mangangaunti nang mangangaunti. malungkot mang isipin, mron ding mawawala, meron ding hindi makakapagpatuloy, at alam ninyo, yan ang pinakamasakit sa amin... ang makitang may nalalagas sa aming mga kasama..-
kuya.

let us make it a point that tomorrow will be better that yesterday-kuya.

gaano kabait ang Dios.. before ka pa humingi, ibinibigay na Nya. bago ka pa umiyak, yakap ka na Niya. higit sa lahat bago ka pa kumapit sa kamay Niya, inaabot ka na.

ano ang ibig sabihin ng 'committed' ? hindi lang yun sa panahong kombinyente ka..-kuya.

huwag mong tingnan ang di nagagawa ng iba... ang tingnan mo, yung dapat mong gawin.-kuya.

kung alam mong sa ikabubuti mo, kahit masakit, titiisin mo... dahil alm mo, na sa kabila ng sakit na nararamdaman mo may ginhawang kapalit.-snp.

the fact that you are here is evidence that the world needs something you have. your existence proves your purpose, and your purpose creates your potential..
Last edited by evita1304 on 23 Feb 2009 16:38, edited 1 time in total.

0 Comments Viewed 45545 times

Who is online

Registered users: claudbosch, Google [Bot]

cron